Naalimpungatan ako sa ingay mula sa labas, tiningnan ko kung anong oras na ba at nagkakamuya sa harap ng bahay namin."5:30 am pa lang, chismisan agad ang alam! Haynako!" Ako habang tinitingnan ang oras sa cellphone ko.
30 minutes na ang lumipas pero ang ingay pa din, at dahil don hindi ako nakabalik sa aking pagtulog. May pasok pa naman ako at araw-araw akong puyat. Napag-isipan kong bumangon at hanapin ang aking butihing ina. (Lalim) haha lol.
"Oh anak, gising ka na pala kumain ka na at may pasok ka pa." Gulat na sabi ng aking Nanay.
"Nay, anong meron sa labas at ang ingay, di ako nakatulog ng maayos puyat pa naman ako." Sabi ko ng nakasimangot (pero pogi parin)
"Anak, may bagong lipat diyan sa kalapit natin, umalis na yung unang lumipat kaya may lumipat na bago, naghakot sila ng gamit kaya ang ingay, tsaka konting kwentuhan na rin." Sabi naman ni Nanay.
Kumain na ako ng umagahan at naligo tsaka pumasok sa school.
By the way, ako nga pala si Sean, Sean De Leon. 17 years of age, nag-aaral sa FEU, Varsity Player, Civil Engineer ang course ko. Yep, and I'm cool and handsome, sabi nila. Hahaha, sorry na agad kung mayabang pero sabi nila eh. :) and I'm single, di ako malandi, kahit fling wala ako niyan. Study first kase ako simula ng iwan kami ni Tatay, mahirap lang kami, kaya ako napasok sa FEU dahil na rin sa tulong ng tiyahin ko from Ireland nurse siya don at malaki siguro ang sweldo kaya ganun. And here sa school na to, I don't know what my faith must going on.