First subject, napakaboring naman! Paano si Maam Cruz na naman ang prof namin sa Rizal, grabe nosebleed ako kahit filipino subject pa siya. Gusto ko ng magbasketball! Bwisit na to. -.-
"Okay class, next week prelim na natin, di ko na kailangan magbigay ng pointers, simula sa una ng topic natin hanggang dito ang reviewhin niyo ha. Okay, have a happy weekend." Maam Cruz.
Uwian naaa! Ayos, friday nga pala ngayon! Basketball na to whooo rak! Habang naglalakad ako sa may iskinita papunta samin, tanaw ko mula sa harap ng bahay namin na may kausap si Nanay, sa pagkakatingin ko, dalawa sila at parehas babae.
"Hay, chismisan na naman ang alam. Si nanay talaga.." bulong ko habang naglalakad pa papalapit.
Nang makalapit ako, napatingin ako sa kausap ni Nanay, syempre di naman pwedeng diko tingnan baka mamaya, multo pala yun or alien. :D pero di eh, mali ako, isang matandang babae at maputi siya, di halata na may edad na siya, siguro 35+ na siya pataas. Baby face siya at maganda ha? Ngayon ko lang siya nakita actually, ngunit mas lalong napukaw ng mata ko ang kasama niyang dalagita, sa tingin ko'y anak siya ng magandang babae dahil hindi nalalayo ang muka nila, maganda siya, mahaba ang buhok, mapupungay ang mata, di siya katangkaran sakto lang. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi na animo'y nang-aakit. Ano ba tong naiisip ko..
"Anak, huy anak!" Si nanay.
"......" Ako.
"Anak!" May sabay na pagtapik sakin ni nanay.
"Ay!" Gulat kong sabi.
"Ano yun nay?" Ako ulit.
"Nay natulala ka na diyan, tutulo na laway mo nakakahiya sa kumare ko oh." Pabirong sabi ni Nanay.Pinahiya ako ng sarili kong Nanay, walastik. -.-
"Sean, ito nga pala si Lily kumare ko na siya ngayon at ang anak niya si Diana, bagong lipat sila diyan sa kalapit natin, batiin mo sila anak." Si nanay, na naka puppy eyes pa. Wow naman hahaha.
"A-ah, ako nga po pala si Sean, pasensya na kayo sa Nanay ko, madaldal ho ba? Haha, nice meeting you po Ate Lily." Sabay, beso kay Ate Lily na siya namang ikinatuwa ng aking Nanay.
"Nice meeting you Sean, at ito nga pala ang anak ko si Diana." Ate Lily.
"Hi, Diana." Sabay lahad ng kamay sa kanya, ngunit nag-iba siya ng dereksiyon ng tingin kaya hindi siya nakipag-shake hands saakin."Ang suplada.." sabi ko sa isip ko.