Chapter 50: The Twin's Birthday

99 3 0
                                    

"What's the plan Ronnie?" Tanong sa akin ni Red?

Bat ba ako ang tinatanong nito e hindi naman ako ang magbibirthday?

"Ano ba kasi ang gustong theme ng kambal?" Tanong naman ni Pen.

"Well, Timmi likes disney princesses while Tommy likes transformers." Sagot ni Red.

"Ano ba sila mga bata na kailangan pang maghanda ng birthday party? And to top it all seriously? Disney princesses?" Taas kilay kong tanong..

Pwede pa siguro yung transformers pero yung kay Timmi? Naku, hindi naman obvious na hindi lang girly, super pambata pa.

"Anyways, are we supposed to throw a party for them? Ain't that a job for their parents?" Tanong ni Pen.

"You guys know about the story behind their parents." Pagtutuldok ni Ken sa tanong ni Pen.

Hanggang ngayon ay hindi pa pala nagkakaayos ang mga magulang nila. Tsk..

"So decide guys." Ani ni Red habang nagmamaneho papuntang mall.

"We should throw up a simple gathering. I know that despite the problems they face with their parents, the presence of their friends and the simple gesture that we remembered their birthday will be more than special for them." Sabi ko habang nakatingin sa bintana.

"Naman Ronnie, nagtanong lang ako kung paano ang theme di ko sinabing magspeech ka." Pang aalaska ni Red. "But seriously, nasapul mo lahat."

Anyway, we've decided to buy some take out pizzas and in doing so,

"Andito pala kayo, di man lang kayo nagyaya!" Napalingon ako sa nagsalita at kasalukuyan siyang nakaakbay sa akin. "Where's Timmi by the way? Mukhang kulang kayo ngayon a." Pagdagdag pa nito.

Tinanggal ko yung kamay ni Troy mula sa balikat ko at hinarap siya. At sa paggawa ko nun, muntik ko nang hangarin na sana hindi ko na lang pala ginawa iyon..

"Hey.." kaway ni Chris. Kasama ang buong tropa nila pati na rin si Mervin.

Di ko mapigilang maasar pag naaalala ko yung nangyari nung nakaraang linggo.

"I'm sorry for being a jerk and for treating you wrongly. Will you ever forgive me?"

Napaisip ako sa mga sandaling iyon. Baka naman nagssleep talking lang ang loko. Pero nakamulat naman ang mga mata niya.

"Ah---, SHI SHIITT!" Napamura ako ng malakas at mabalis na napaatras sa nangyari. Si-sinukahan niya ko!

Sa mukha! In my freaking face!

Nakakastrike two na tong mokong na to a! Shit! Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Kakasorry niya lang at ito naman ang gagawin niya?? Nanlalagkit ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang suka niya sa labi ko. I resist to taste his puke, but SHIT! Ilang segundo din siguro akong natanga sa nangyari habang siya ay agad na nahiga at isampal sa pagmumukha ko ang likuran niya ng agad akong talikuran..

Agad akong napabalikwas nang may magsalita. Life saver. "Hey sunflower." Inakbayan ni Jake si Pen at hayun nagkarun na sila ng sariling mundong dalawa.

Hindi makatingin sa akin si Mervin. Natatandaan niya kaya yung nangyari? Dapat lang! Nakakadiri kaya yung ginawa niya! Dapat lang na mahiya siya sa akin!

"Mabuti na lang at andito kayo. Boys, would you mind buying some drinks for the party later?" Tanong  ni Red sa kanila.

"Party? Para san?" Tanong ni Troy. Teka, parang kulang din sila a.. Asan si Ven?

"It's the twin's birthday." I mumbled. "Kaya tulungan niyo kami, dahil imposibleng madala namin lahat ng bibilhin namin." Dagdag pa ni Red.

Everyone was busy, naisipan pa nilang bumili ng ireregalo nilang gift sa kambal.

That's when maramdaman kong kami na lang yung natira sa likod ni Mervin. Medyo nakatagilid siya at parang may ibang tinitignan nung bigla kong maramdaman ang paghawak nito sa kamay ko.

Dug.. Fuck, pakiramdam ko ay biglang tumalon palabas yung puso ko nang magkadikit ang mga balat naming dalawa.

"Anong ginagawa niyo dyan? Aalis na tayo." And that's when I felt him leave my hand at saka na siya naunang umalis. What did just happen?

Garcia Residence.

Sunod sunod silang nagpark sa labas ng dambuhalang gate ng kambal. Hindi rin sila tig isa ng kotse ha? Nagmumukha tuloy na parang ang dami naming inimbitahan.

Binuksan na ni manong ang gate at sa tingin ko ay wala na akong ikagugulat pa sa malaking mansion nila.

Napuntahan ko na kasi ito dati at masasabi kong halos mailuwa ko na ang mga mata ko sa laki ng lupa at bahay nila.

Ito ang nakukuha ng mga business minded people gaya na lamang ng mga magulang nila Timmi at malaki ang kapalit nun dahil pamilya nila ang matinding naaapektuhan.

Pagkabukas ng gate ay siyang pagpasok namin. Yung kaninang ingay ay biglang nawala. Hindi mabatid ang katahimikan sa paligid. Yung kanina na pag-iingay ni Troy ay agad napalitan ng pagkagulat at paghanga.

Halos lahat nga kami ay napatigil sa kinatatayuan namin e at sabay napatingin sa mga bitbit namin.

"Para saan ba talaga itong mga dala natin?" Tanong ni Troy na naguguluhan.

"Kayna Timmi nga." Untag ni Red. "Hali na nga kayo." Dugtong pa nito at naglakad na di alintana ang mga katulong na aligagang nag aayos ng mga malalaking mesa sa malawak na bakuran ng kambal.

Mukhang di pinaghandaan ng mga magulang ang birthday nila a. Nagcoconstruct pa ng big screen e. Sus di talaga pinagkagastusan. Tsk!

Pakiramdam tuloy namin parang ang ewan lang na bumili bili pa kami ng mga ganito. Panigurado kasing madaming ipapahandang pagkain mamaya.

"Good morning po." Bati ng isa sa mga maid sa amin.

"Uhh hello, san sila Timmi?" Tanong ni Red dito.

"Asa kwarto po nila." Sagot nito at hayun nagpasalamat na lang kami at derederetsong naglakad patungo sa kwarto ng kambal. Well more on Timmi's room pala.

Timmi's POV

Here we go again with this celebration. Uhh, di naman talaga para sa amin itong paghahandang ginagawa nila sa labas e. It's more like a business thing. A celebration between business partnerships.

Oo nga pala, Tommy is here with me. Kasalukuyan siyang nakaupo sa dulo ng kama ko while playing with his robot toy. Ah, not playing pala. He's just staring at it blankly. A boy thing I guess.

Ilang buwan na rin pala siyang hindi tumitira dito. I have to say, I missed him in my room. Yung hahatakin ko pa siya papunta dito. Para pilian ako ng damit na susuotin.

My brother is the best boyfriend material. Hindi ko nga alam kung bakit hindi iyon makita ni Ronnie sa kanya e. Maalaga siyang tao. Nakita ko sa kanya na kung siya man ang piliin ni Ronnie, naku, paniguradong sasaya silang dalawa. Sasaya na ang kapatid ko.

But who am I kidding? Hindi naman natuturuan ang puso hindi ba? Well, almost always?

"Tommy, anong gagawin mo pagkatapos ng lahat ng sinabi ni daddy?"

Tanong ko rito. Tinitignan ko kung ano ang irereact niya. Hayun, parang wala sa sariling tumingin sa akin.

"About what?" Yeah, he's hesitant alright. Nagmamaangmaangan siya at ayaw niyang aminin sa sarili niyang wala na siyang magagawa.

Once kasi na binitiwan na ni dad yung words niya wala nang makakabawi e.

So cliche but my bro is given his last beautiful days as a bachelor.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon