1

0 0 0
                                    

Ang sabi nila, "ang problema hindi tinatambayan, dinadaanan lang." Tanong ko naman, eh paano kung yung mismong dinadaanan mo ang problema. Paano kung road block o dead end? Natural kelangan mong tambayan at magbakasakaling dadating si Robin.

Coz depressed people be like,

Kapag may nagtatanong saken, "anong nangyare?" , "Bakit antagal?" , "Kala ko ba ganito, kala ko ba ganyan?" Hindi ko maiwasang magkwento at magpaliwanag. Hanggang sa bumalik nanaman yung pakiramdam na, "Oo nga no, bakit nga ba.." Simula ulit sa simula. Daig ko pa nag reenactment sa murder case. Magflaflashback nanaman lahat ng sakit.

Kapag naman may nagsabi sakin ng, "Okay lang yan," mas lalo akong nadedepress, letche. Dahil isa lang ang ibig sabihin nun, talagang may mali. Mas lalong naipamuka sakin na hindi talaga okay lahat ng nangyayari.

Kahit sabihin mo sakin na, "hindi kita ijujudge." Parang mas lalo mo lang pinabigat ang nararamdaman ko. Dahil bago mo pa man sabihi yan, nahusgahan mo na ako.

Kapag sinabe mo na, "Kaya mo yan! Ikaw pa!" Seriously, di siya nakakatulong. Dahil parang sa taas ng expectation mo sa akin, parang pinepressure mo lang akong gawin ang isang bagay na hindi ko pa kayang gawin ngayon.

Oh di ba, wala ng paglalagyan. Minsan hindi nila kelangan ng maraming payo, immune na sila diyan. Hindi nila maririnig yan dahil walang tatalab na kahit anong salita para maging okay sila. Hindi sila basta nawalan lang ng candy, please lang. Lahat ng naririnig nila, parang emotional torture lang. Siguro meron talagang mga pagkakataon na mas gusto nilang mapag-isa pero hindi yun nangangahulugan na para lumayo ka. Solar system nga may space eh

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SpaceWhere stories live. Discover now