Chapter 21
A/N:
Saka ko na lang aayusin toh at iyong next chapter inaantok na ako. Ewan ko ba bakit nong i-paste ko dito sa watty hindi maayos ang pagkakasulat ng italic at bold. May sariling mundo. Tinatamad ako maginstall ng ibang browser. Enjoy reading! :)
***********************
Heto ako sa ilalim ng puno nakaupo at nagpapahinga.
Totoo nga ang kasabihan na mas makikilala mo ang isang tao kapag nakasama mo na ito. Habang lumilipas ang bawat oras na magkasama kami ni EJ unti unti kong nakikilala ang pagkatao niya, kapilyahan niya, sense of humor at kung ano ano pa. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng ganitong pagkakataon na makasalamuha siya kahit pa ngayon lang kami nagkita. Kahit na may mga pangyayaring hindi maipaliwanag gaya ng bigla niyang paghalik sa akin kaninang umaga. Hindi ko din alam sa sarili kokung bakit hindi ko natutulan iyon. Tuloy hanggang ngayon hindi ko maialis sa isipan ko nab aka maulit pa iyon. Kinakabahan ako na naeexcite hay ano ba tong nararamdaman ko hindi ko maintindihan... Haayy Memei at Kate mabuti na lang talaga pala hindi kayo kasama dahil malamang pang aalaska ang ibaot ko sa inyo.
Malapit nang lumubog ang araw dahil naguumpisa nang maging kulay abo ang bughaw na langit. Ang tubig sa dagat ay animoy makikislap na bagay na tila nagsasayaw sa laot. Ang payapa ng paligid at an gaming Bangka ay paparating na din sa di kalayuan. Hudyat na para kami ay magpaalam sa mala paraisong isla na ito. Halos buong araw kami naglibot at nagpicure picture na dalawa ni EJ. Nagenjoy ako at parang mas gumagaan pa ang loob ko sa kanya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinungo si EJ sa may malaking baton a doon ay nakasandal habang abala sa paguusisa ng mga pictures naming dalawa.
"Kawawa naman yong camera kanina pa napapagod kakaimbestiga mo sa shots. Daig mo pa taga NBI kung makausi eh noh?" Sabay upo sa tabi niya.
"Ehh bakit kasi ngayon ka lang dumating. Ang tagal mo kaya doon sa puno." Habang abala pa din kakabutingting sa pics.
"Paano po kasi busy ka much diyan oh..Kaya doon na lang ako nagstay." Paliwanag ko.
"Ang dami nating kuha, burahin mo yong mga pangit na kuha. Gusto ko yong mga cute pics lang natin iwan mo."
"Huh? Ayoko nga, wala akong buburahin diyan. Baka nagbura ka awayin kita."
"Wala akong binura. Kaya nga sayo ko ipinapabura eh..."
"Ayoko. Hayaan mo lang diyan. Kahit pangit mga kuha naging part yan ng paglalakbay natin. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan kalimutan ang mga pangit na pangyayari or ano man sa buhay." Paliwanag ko. Napansin kong nakatitig siya sa akin.
"Bakit? May dumi bas a mukha ko? Tanong ko pero umiling lang siya.
"Nakakahanga ka Clarisse. Basta... Napapahanga mo talaga ako."
"Huh?"
"Clarisse paborito ko itong tatlong shot na ito. Ang ganda ng ngiti natin dito. Pahingi ako ng copy ha?"
Tiningnan ko yong pinapakita niya at oo nga ang ganda ng ngiti naming dalawa. Nakaakbay pala ako sa kanya at siya naman ay halos nakadikit ang mukha sa pisngi ko. Napangiti ako sa mga kuhang yon. Kaya naisipan kong yayain siya muli at magpicture sa sunset.
"EJ tayo ka na diyan. Doon tayo banda roon. Hindi mo pa nakikita yong mga iba pang rock formation dito." Inabot ko ang kamay niya at saka hinatak patayo.
"Hahaha ambigat ko ano? Di mo ko mahatak. " Tawang tawa niyang sabi
"Ehh kasi naman tayo ka na. Andiyan na Bangka natin malapit na tayong umalis."
BINABASA MO ANG
Crossing the Limits (Lesbian Love)
RomansSabi nila ang tunay na "Pag-big" yung hindi mo alam kung paano mo siya nagustuhan. Pero minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanggap mo ang buong pagkatao niya, ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. Hindi ba't napakasarap s...