B

6 0 0
                                    

Naalala ko pa nung una kitang makita...


*Flashback*

Unang araw ng pasukan, at as usual tinatamad akong pumasok.

Parang kahapon lang bakasyon pa, tapos ngayon pasukan na! Nakakaasar naman.

Pero kahit tinatamad ako, papasok pa rin ako. Ayaw kong malintikan kay mudrakels, sasabihin nanaman nun na wala akong kwentang anak.

Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko silang dalawa ni papa. Sila na lang dalawa ang meron sa akin eh hahaha

Bago pa ako malate, dali dali na akong nagbihis ng jeans at t-shirt na puti.

First day pa lang naman, wala pang tinuturo yung mga teachers puro pagpapakilala lang ang gagawin.

Isinuot ko na rin yung converse kong pinaka old issue.

Sa sobrang old warak warak na yung nasa gilid. Pero ok lang atleast Converse diba?

Nagabang na ako ng jeep papuntang Black Pearl University.

First year highschool pa lang ako, at eto ang unang beses na makakapunta ako sa Exclusive School.

Mahirap lang kasi kami, buti na lang at matalino ako kaya nakakuha ako ng Scholarship Sa BPU.

(Ang Hangin ! Tara kapit tayo)


Sa wakas ! After 10 minutes may nagsakay na rin sa akin.

Malayo layo kasi yung bahay namin sa BPU kaya kailangan kong magmadali.


23 Minutes Later

Wow! Ang laki pala ng school na ito! Nakakabilib!

Ang daming tao may mga naka dress na sobrang ikli.

Tinalo pa ata nila yung ikli ng twalya ko sa bahay eh

May mga mayayaman. Mayroon din namang mga scholar katulad ko, pero halos lahat sila naka salamin. Ang lalaki pa ng lens!

Aray ! Ansakit !

May bumangga ba naman sa akin na pader ay este tao pala.

Hindi man lang nagsorry yung ugok na yun!

Malaman laman ko lang kung sino yun, ipapamassacre ko siya bwahahahaha *Evil Laugh*

Habang naglalakad ako

May nakita akong ballpen. Color pink, ang cute! May mga flower designs pa siya sa gilid. Mukhang elegante, mahal siguro ito? Ibabalik ko na lang sa may ari mamaya.


Room 102

Heto pala ang room ko, ang ganda pangmayaman. May AirCon pa sosyal !

Pumasok na ako sa room at naghanap ng mauupuan.

Buti na lang hindi ako na late. Ilang beses din kasi akong naligaw dito sa university. Sobrang luwang kasi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nagmahal ako ng isang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon