3

10 1 0
                                    

Sabado ngayon, kating-kati na akong magbaketball dahil hindi ako nakapaglaro kahapon pagkagaling sa school. Siguro dala ng pagod, tsaka kumopya pa ako ng notes sa kaklase ko para may mareview naman ako. (As I've said, study first ako). Gustuhin ko mang maglaro, di naman pedeng di ako magreview kahit konte ngayong sabado, prelim na namin sa lunes sa Rizal.

Mga 30 minutes siguro akong nagreview at tsaka ko tinext ang kaibigan kong si Cyrus para makapaglaro na kami ng basketball.

"Iyus, laro tayo wait kita sa court." Text ko kay Cyrus.
*mgs tone* -one message received.
"Pre, di ako pede ngayon. Walang mag alaga sa kapatid ko, umalis sina mama at papa diko maiwan to. Pasensya na pre." Reply ni Cyrus sakin.

Nagpunta parin ako sa court, malapit lang ito samin mga 100 steps siguro haha. Basta, mga 8 bahay ang agwat saamin ng court. Naglaro na lang ako para makapag-practice na din at pagpawisan. Mga alas 10 na ng umaga, may dumating na mga lalaki at mukang maglalaro sila, pustahan sa tingin ko dahil madami sila. Akmang aalis na sana ako nang biglang tawagin ako ng isang lalaki, na naka-jersey at isa sa mga maglalaro.

"Pare! Pare!" Tawag ng lalaki. (Ferling close, makapare eh!)
"Ano yun?" nakangiti kong sabi.
"Kilala mo ba yung bagong lipat sa may purok niyo? Dia.. Diaa..." nauutal nitong sabi.
"Diana ba?" Dugtong ko sa kanya.
"Oo, iyun nga pangalan niya! Kilala mo siya? Pakilala mo naman ako oh, sali ka namin sa grupo ko." Dagdag pa niya.
(Wow! Diko kailangan ng grupo niyo, mas pogi pa ako sa inyo eh!)

"Diko siya kilala, kilala ko lang siya sa pangalan. Di kami close non eh." Sabi ko kay pare kuno.
"Ah, ganon ba? Sige. Salamat na lang dude." Sabi ng lalaki.

Naglakad na ako pabalik ng bahay ng madaanan ko ang bahay nina Aling Lily, nakita ko si Ate Lily na nagdidilig ng halaman. Nakita ko rin si Diana na mukang kagigising lang niya, eh tanghali na kaya.

"Magandang umaga po Ate Lily. :)" Bati ko kay Ate Lily.
"Oh Sean andiyan ka pala, magandang umaga din sayo :)" Balik na bati saakin ni Ate Lily.

Akmang babatiin ko si Diana nang irapan niya ako! Wat the, wala pa akong ginagawa eh! -.-

"Ate Lily, ang sungit po ng anak niyo." Pabiro kong sabi kay Ate Lily.
"Ay nako, ganyan talaga yan iho. Lalo na't di niya kilala, kilalanin mo siya. Mabait yang anak ko." Sabi ni Ate Lily na mukang proud sa anak niyang suplada. :3

"Sige po, soon. Una na po ako Ate Lily." Nakangising sabi ko kay Ate Lily.

Nakauwe na ako, nagpalit ng damit, kumain ng lunch at tsaka nanood ng tv ng biglang pasok ni Nanay.

"Anak, bukas imbitado tayo sa mga Ate Lily, birthday niya. 40th birthday niya, kaya bumili ako ng regalo para sa kanya. Nakakahiya naman pag walang regalo, may kaunting handaan daw. Kaya pupunta tayo." Sabi ni Nanay.
"40 na siya Nay?! Ang ganda niya parin po" sabi ko kay Nanay na may halong gulat.
"Oa mo anak, diyan ka na nga!" Biglang puntang kusina ni Nanay.

5:00 pm, napag-isipan kong tumambay sa terrace namin nang makita ko si Diana na nagseselfie sa terrace nila. Nakakatuwa siyang pumose haha. Napansin ko na maganda pala talaga siya, lalo na kapag ngumingiti. May dimple pala siya na lalong nagpaganda sa kanya.

"Maganda nga, suplada naman. Bakit ganun, crush ko na ata siya."

Nothing to Her (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon