4

11 0 0
                                    

Linggo ngayon, napag-isipan kong mag'simba. Kasama ko si Nanay, magbabawas kami ng kasalanan haha.

"Nay, tara na ho!" Ako.
"Sean, magsisimba din ang mga Ate Lily, sasabay na daw sila saten." Si Nanay.

Lumabas na ako ng bahay ng makita kong lumabas din sina Ate Lily, peri di niya kasama si Diana, di ba siya magsisimba? :3

"Goodmorning po Ate Lily!" Ako kay Ate Lily.
"Goodmorning din iho!" Bati niya sakin.
"A-ah, di niyo po kasama yung anak niyo?" Tanong ko kay Ate Lily.
"Ay hindi eh, mag-aayos kase sila sa bahay kaya nagpasya akong di na lang siya isama, birthday ko ngayon, punta kayo ng Nanay mo mamaya ha?" Ate Lily.
"Ay, oo nga po. Happy birthday Ate Lily! :)" sabay bati ko sa kanya.
"Salamat Sean, oh ayan na pala Nanay mo, tara na sa simbahan?" Aya nito saamin.

Nag-abang na kami ng masasakyan patungo sa simbahan.

*Fast forward*

Tapos na ang misa, tanghali na ng makauwe kami sa bahay. Gusto ko sanang maglaro ulit ng basketball, kaso kailangan ko magreview. Tutal wala si Nanay na kina Diana baka tumutulong. Walang maingay pag nagreview ako, wala naman akong kapatid eh. (Sadlayp tol)  natapos akong magreview ng biglang pumasok si Nanay sa bahay.

"Anak, magbihis ka. Manananghalian tayo sa mga Ate Lily." Sabi ni Nanay sakin.
"Nay, di ako pupunta ikaw na lang ho." Sabi ko kay Nanay.
"Anak, nakakahiya sa Ate Lily, baka hanapin ka sakin. Tsaka tayo palang kakilala nila dito, wag kang KJ anak" Dagdag pa ni Nanay.

No choice, nagbihis ako. Simpleng polo shirt at pantalon, konting wax ng buhok at tsaka pabango. Baka makita ako ni Diana eh. (Ano ba tong iniisip ko) Eh ano naman kung makita niya ako, eh wala lang naman ako sa kanya. Ultimong ako na nga tong makikipagkaibigan eh ayaw pa niya. Tong pogi kong to!!

Natapos na akong magmuni-muni at pumunta na kami ni Nanay sa bahay ni Ate Lily. Napagtanto ko na, maaliwalas pala yung nalipatan nila. Ang ganda ng kulay ng walls, hindi malungkot tingnan. Lalo pang nagpaganda yung nakatira. (Tama na Sean, ano ba yang naiisip mo!!)

Nakita ko naman agad si Ate Lily at nagbatian kami at nagbatian sila ni Nanay. Sa may sofa, nakita ko si Diana. Gusto ko siyang batiin kaso baka olayin na naman niya ako! Pero okay lang atleast na try ko, baka dun na magsimula pagkakaibigan namin eh. ^^

"H-hi Diana." Ako na may halong kaba. Whoooo!
"Hello naman Sean" mabilis niyang sagot sakin. Di man lang siya kinabahan? Sabagay, ako lang naman tong may nararamdaman sa kanya! (Tama ba sinabe ko? Nararamdaman? Ako may nararamdaman sa kanya?!) Nababakla ako! Di pede to.

"Kumain ka na ba?" Diana ulit.
"A-ah, dipa eh." Lord, kunin niyo na po ako. Kinakabahan ako parang sasabog na yung puso ko!
"Tara kain ka, bisita ka namin eh. Hahahaha" sabay hagalpak niya ng tawa. May saltik ata to eh!

Kumain na kaming sabay-sabay. Nagkwentuhan din ang mga Nanay namin na siyang ikinagulat ko.

"Sean, san ka nga pala nag-aaral?" Ate Lily.
"Ah, FEU po. Mga dalawang sakay mula po rito." Sagot ko naman.
"Gusto ko sanang ipasok si Diana, para naman alam mo na, makatapos siya, malapit na second sem niyo diba? Natapos niya first sem kaya second sem na siya mag-eenrol. Wala siyang kaibigan dito, kaya gusto ko siya ang maging guide mo sa enrollan at sa school na yon. Kung gusto mo lang iho. :)" nakangising sabi ni Ate Lily.

Ako? Makakasama niya sa school na yon?

Nothing to Her (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon