Chapter 36

231 9 0
                                    

JEROME'S POV

"Good evening Tita," bati ko. Nagpaalam na ako sa kanya na ako ang susundo at maghahatid kay Janella pauwi, pero halatang gulat pa rin siya na makita ako.

"Good evening hijo," ngumiti siya at binuksan ng mas malawak ang pinto, "Pasok ka muna, palabas na si Janella sa kuwarto niya."

Nagpasalamat ako at umupo sa sofa nila sa living room. Nahihiya ako kay Tita, kahit siguro hindi niya alam lahat ng nangyayari ay nahahalata niya, hindi lang siya nagtatanong.

Alam ko sa sarili ko, siya lang ang gusto kong makasama. Pero kasalanan ko rin, nagselos ako sa kanila ni Marlo. Pagod na pagod na kasi ako sa set-up namin, gusto kong ipagsigawan sa lahat na siya ang mahal ko at sa akin siya. Pero hindi pa pwede, tapos makikita kong ganoon ang ginagawa nila ni Marlo? She said she was busy, pero pagdating kay Marlo hindi?

Kasalanan ko, umalis pa ako ng bansa nang hindi ko siya kinakausap. Kaya anong karapatan kong humingi ng pagkakataong magpaliwanag, kung ako hindi ko siya pinagbigyan noon?

Pero sagad sa buto ang katangahan ko noon, sa sobrang galit ko pumayag ako na samahan ako ni Iris. She's Loreen's friend who happened to be my ex. Nang maayos na sa amin ang lahat ni Loreen, nang sinabi kong iba na ang gusto ko at hindi ko na maibibigay ang pangalawang pagkakataong hinihingi niya, saka naman nagparamdam si Iris. She said she likese all along, kahit kami pa ng kaibigan niya. But said it's allright if I can only offer friendship kaya nagmagandang loob ako na samahan siya tuwing nagpapasama siya sa bar or sa gala niya kapag may time ako.

Akala ko okay na ang lahat sa amin, pero nang inakala kong may namagitan kina Marlo at Janella, sobrang sama ng loob ko. She was there to help me. Ayoko pa sanang umalis ng bansa, gusto ko na lang magmukmok sa bahay pero nagprisinta siyang samahan ako sa Malaysia. That time I sensed something, pero masyado akong nabulag sa galit kaya hinayaan ko na lang na samahan niya ako.

Hindi ko inakalang magtatapat ulit siya sa akin sa Japan sa last day ng trip namin, I was happy to be with her I won't deny that. Kahit noon na laging siya ang kasama ko, aaminin kong masaya akong kasama siya. I even thought I was starting to have feelings for her pero hindi naman natutuloy. Because it will always be Janella. I rejected Iris, nag-aalala ako kasi mukhang nasaktan ko talaga siya. Hindi niya ako kinakausap sa eroplano nung pauwi na kami. Pero nagulat na lang ako nang bumalik siya sa dati after a few days, a close friend. Ayoko naman ng lumayo sa kanya kasi kaibigan ko siya at ayoko siyang masaktan. Pero hindi ko inaasahang maiissue kami ng ganito. At magkakaganito kami ni Janella.

I'm thankful she forgave me. Because the days that I thought I've lost her were seriously hell to me.

Biglang naglaho lahat ng salitang binibigkas ko sa isip ko nang makakita ako ng pulang tela sa sahig, tumingala ako para makita si Janella na naiilang na ngumiti sa akin.

Nalaglag ang panga ko. She's wearing a light make-up. Parang sobrang natural lang niya para sa event na 'to. Naturally.. beautiful. Naka tube dress siya na dark red hanggang paa. Hindi kasing pula ng labi niya ang damit niya, pero bagay na bagay sa kanya.

"Hey," she snapped. Pumikit-pikit ako bago bumalik sa katauhan. Namumula siya nang magsalita ulit, "W-We're running late."

Tumayo agad ako at tumango, malelate na nga kami kapag hindi pa kami umalis. I extended my arm for her which she grabbed eventually. Ngumiti ako at nagpaalam na kay Tita.

Humarap muna ako sa kanya bago ko siya pagbuksan ng pinto sa kotse.

"I feel pleasured. Thank you for being my date."

She let out a soft laugh. "I did not. We're just both required to attend."

"Pero pumayag kang hatid-sundo kita ngayon, pareho lang iyon. And.. I just want to say you're extra beautiful tonight."

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon