Papasok na ako ng school ng kausapin ako ni Ate Lily sa labas.
"Sean, maaari mo bang isama si Diana sa school niyo? Titingnan lang niya mga requirements para makapaghanda siya. Gusto niya kasi mag-aral at medyo malapit naman sayang yung oppurtunity. Yun lang maipapamana ko sa kanya." Sabi nito saakin na may halong lungkot.
Bakit? Nasan ang asawa niya? At bakit kaya sila dito tumira? Daming tanong male'late na ko.
"Ah, sge ho. Asan ho ba siya? Para makaalis na po kami." Nakangiting sabi ko kay Ate Lily.
Biglang labas naman ni Diana, napanganga ako sa suot niya. Simple lang siya manamit, naka floral siyang damit at nakapantalon na may style na parang hiwa-hiwa sa bandang binti. Di kaya siya makitaan dun? Haaay, ano ba tong iniisip ko. Di din siya naka make up, pulbo lang ata okay na sa kanya. Ang ganda niya, parang hinahabol na naman ang puso ko ng sampong kabayo. Feeling ko, pag andiyan siya nagiging taranta ako. Ewan ko ba. Parang kinakabahan ako palagi pag nasa tabi ko siya.
"Tara!" Masiglang sabi ni Diana.
"Osige tara! Una na po kami Ate Lily." Sabi ko sa Nanay niya.
"Ingat kayong dalawa, ingatan mo unika iha ko Sean." Pabirong sabi ni Ate Lily.Wala pa silang isang buwang nakakalipat sa baranggay namin. Pero napakalapit ng loob ko sa mag-ina na to. Ganun din naman si Nanay, mabait sila. Masayahin din si Diana. Oo, si Diana... Diana ano? Takte, diko pa alam apelyido niya. Anong klaseng tao ka Sean. Kailangan kong mag first move dahil ako ang lalaki. Nakasakay kami sa trycycle at bang tahimik namin. Babasagin ko na ang katahimikan. Go Sean! Kaya mo yan, si Diana lang yan! Whoo.
"Ah, eh. Diana, anong whole name mo, hehe diko pa alam eh." Kabado kong tanong sa kanya.
"Diana Roldan, 17 years old na ako. Ikaw nga diyan eh, diko din alam pangalan mo." Sagot niya.
"Sean, Sean De Leon. May facebook ka ba?" San ko nakuha yung tanong na yon? Jusq, kainin na sana ako ng lupa. Nakakahiya mga pre!
"Yep. Ano pang tanong mo? Feeling close ka!" Sarcastic yung boses niya pero ang sarap sa tenga.
"Bat ang sungit mo? Gusto pa naman kitang maging kaibigan. Ganyan ka!" Ako na parang bata.
"Wow naman, parang stalker lang, andito na tayo sa school niyo. Daldal mo!" Sigaw niya saken.Aba! Mapakasungit nito, akala ko magkaibigan na kami. Salagay, sa harap ng Nanay niya nagbabait-baitan siya! Sarap kutusan eh, joke bawal gawin sa girls. Hahaha.
Naglakad kami sa school, naipasyal ko siya. Nagpunta kami sa registrar para matanong ang kailangan niya. Don ko napag-alaman na Educ pala course niya, major in English ata siya. Talinaw! Haha. Lunes nga pala ngayon, may klase pa ako! Gusto ko sanang sabihin sa kanya na may klase pa ako kaso sa tingin ko baka di niya alam ang pag-uwe. Tsaka ayoko siyang iwan, sa laki ng school na to baka maligaw pa siya. (Isip! Isip ng paraan)
---
Tamaaaaa! Isi-sit in ko siya sa klase namin."Diana, may klase pa ako. A-ano.. Ano, baka gusto mong maki-sit in sa room namin. Kakausapin ko prof ko. Gusto mo?" Sabi ko sa kanya.
"Hello! Anong course mo?" Irita niyang sagot.
"Civil Engineer. Sasama ka nga ba?" Ako.
"Duh! Pulos lalaki kayo sa room niyo for sure. Tsaka anong ginagawa ng mga bench dito sa school niyo? Sa bench na lang ako. Iintayin kita don." Sabay turo sa pangalawang bench sa may creek.
"Sige, wag kang aalis ha? May cellphone ka ba? Kontakin mo ko if kailangan mo ko, pinagkatiwala ka sakin ng Nanay mo." Sabi ko.
"Kanina facebook account, ngayon number naman. Kapal talaga neto oh! May gusto ka sakin ano!" Pang-aasar niya na ikinapula ng muka ko.
"Iniisip ko lang ang kapakanan mo. Kung anu-anong sinasabe mo. Dali na, akin na number mo. Mahuhuli na ko sa klase ko, may prelim pa kami." Nagmamadali kong sabi.
"Whooo, sabihin mo type mo ko. Madali naman akong kausap. Oh sige na, bago ka mapikon diyan eto na number ko. 09**". Mapang asar niyang sabi.Tuluyan ko ng iniwan si Diana sa bench na yon at tuluyang pumasok sa room namin. Dipa naman ako late at wala pa si Maam Cruz. Di mawala sa isip ko si Diana, tama kaya siya na type ko siya? Na gusto ko siya? Bakit nagkakaganito ako sa kanya. Di ako pedeng matukso. Baka infatuation ko lang iyon. Eh bakit namula ako kanina? Bakit nagkakaganito ako sa isang babae na bago pa lang pumasok sa buhay ko. Kaibigan lang dapat Sean! Sa dami ng iniisip ko, diko namalayan na nabigyan na pala ako ng test paper ni Maam Cruz. Sana makapag sagot ako ng maayos nito. -.-
"Start answering quietly. Pag may tanong, sakin, hindi sa kalapit." Maam Cruz. Alam niya kasing magkokopyahan na naman ang iba kong kaklase. Hahahaha!
40 minutes kong sinagutan, pag tapos na pede ng umalis. Dali-dali kong pinuntahan si Diana sa bench, pero wala siya don. Naalala ko may number na siya sakin kaya naman tinawagan ko agad. Baka kung ano ng nangyare don.
*Ring*ring*ring*
Di niya sinasagot! Patay ako nito. May nakita akong nagkukumpulan sa may quadrangle ng school namin. Ano kaya yon? Pulos lalaki yon. Lalapit na ako ng makita kong si Diana yung isa don. At parang pinipilit siya nung isang lalaki dun. Halata sa muka niya na ayaw niya. Halata ang takot sa mata niya. Anong gagawin koooo! Kaya ko to. Nilapitan ko sila ng buong tapang. Kailangan ko tong gawin. Bahala na!
"Mga pre, anong meron dito? Bakit hawak niyo yung GIRLFRIEND ko?! May problema ba?!" Lakas loob kong sabi. Nako Diana, sumakay ka na lang para sayo din to.
"Pre, niyayaya lang naman namin siya sa kanto. Alam mo na, konting inuman." Sabi ng isang lalaki na mukang baluga sa suot niyang pakalaki-laki. Halos ilipad na siya!
"Aba, tol. Wag yung girlfriend ko. Girlfriend ko yan eh. Kung gusto mo, tayo na lang mag nomo." Sabi ko, sabay hila kay Diana at inakbayan ko siya. Di naman umimik yung lalaki. Halata sa muka niya ang pagkabigo. Kase naman, bat ang ganda ni Diana eh. Ganun pa suot. Tsk, lalapitan talaga to ng kung sino-sino. Tiningnan ko si Diana, nanginginig siya. Ramdam ko ang katawan niya sa may dibdib ko. Anong nangyayari dito?"Diana, uy diana. Wala na sila. Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong sabi.
"G-g-gusto ko ng um-m-uwe." Nanginginig yung boses niya.
"Oo, uuwe na tayo. Wag ka ng matakot. Okay na." Sabi ko sa kanya. Bakit parang namumula ako sa pagkakadikit namin. Parang gusto ko ang nangyayari.
"Sean, maraming salamat at nandiyan ka, diko alam gagawin ko kung nagkataon. Sana wag mong sabihin kay Mama ang nangyare." si Diana.
"Oo sige. Andito lang ako... as kaibigan mo." Sabi ko sa kanya at tuluyan na kaming umuwe.Ang tahimik namin sa tricycle. Di mag sink in sakin ang nangyare. Parang gusto kong mag sorry sa kanya, hindi dahil sa pagtanggol ko kundi sa sinabe ko na GIRLFRIEND ko siya. Sana di niya ako sungitan ng babaeng to. -.-
"A-ahm. Diana, sorry nga pala sa sinabe ko kanina. Na... na-" diko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat.
"Na girlfriend mo ko? Naku wala yon. Kahit sino naman siguro ganun ang sasabihin para lang di galawin ang girl na gusto mong iligtas." Nakangisi niyang sabi, ang cute ng dimple niya.
"Oo nga e, buti sumakay ka sakin. Hahahaha." sabay tawa ko.
"Seryoso, thankyou talaga. Kung dika talaga dumating. Nako, diko na alam kung buhay pa ako o ano sa ngayon." Mahinahon niyang sabi.Nasa tapat na pala kami ng bahay. Bumaba na ako at siya din. Papasok na sana ako ng bigla niyang akong tawagin...
"Sean De Leon! Sigaw niya sakin. "You save my life, tatanawin ko yun ng utang na loob." Nakangiti niyang sabi. Hayan na naman ang mga ngiti niya. Hinahabol na naman ang puso ko.
"Wala yun Miss Sungit." Sabi ko ng nakangiti at tuluyan na siyang pumasok ng bahay."Tinamaan na nga ata ako" bulong ko, at tuluyan ng pumasok sa bahay.
----
Guys, gagawan ko sila ng POV soon. Una pa lang naman eh. :)