CHAPTER FIFTEEN
NAGING tahimik si Lavender sa mga sumunod na araw. Nauna siyang umuwi sa Pilipinas kaysa kay Reynald.
Kaya nang makauwi na rin ito ay agad siya nitong dinalaw sa opisina. Pinatanggal niya na ang pag-ban rito dahil parang wala namang saysay iyon.
"Can we date?" nakangiting paanyaya nito. "Nakausap ko ang secretary mo kanina. Maaga daw ang uwi mo."
"Reynald, please," walang ganang sabi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa siya okay sa sarili. She tried to pray. To call on "Him" like what Reynald said. But again, something is holding her back.
"Please..." he begged.
Parang hindi siya lulubayan ni Reynald kapag tumanggi pa siya. At wala naman siyang lakas ngayon upang itaboy ito. Napapagod na siya. "Thursday. 7 PM," mahinang pagpayag niya.
Parang na-energize ang buong katawan nito. Lumapad ang mga ngiti at bumangon ang pag-asa sa mga mata. "Yes!" Napasuntok pa ito sa hangin at napatalon.
Kumunot ang noo niya at pinigilan ang sariling mapangiti. "Just one hour."
"Sure! Kahit isang oras lang, ayos na sa'kin. Gusto mong sunduin kita sa Thursday?" he excitedly said.
Umiling siya. "Just text me kung saan tayo magkikita."
"Okay. Don't stood me up, please?"
"Mukha ba 'kong hindi sisipot?"
He sheepishly smiled. "Naninigurado lang."
Pagkaalis ni Reynald ay para itong clown na hindi mawala ang malaking ngiti sa mukha. Hindi niya lang alam kung tama ba ang pagpayag niya sa date na hinihingi nito. Gulung-gulo pa nga siya sa sarili, in-entertain niya pa si Reynald?
You're so helpless, Lavender.
Tamad na tamad si Lavender habang ginagawa ang trabaho niya. Kahit sa pinuntahang meeting ay wala siyang gana sa pakikinig.
Nang sumapit ang alas tres ng hapon, tumawag si Reeve sa kanya.
"Are you busy?"
"Hindi naman. Bakit?" Wala namang puwedeng i-rush si Lavender na trabaho. Puwede niya namang gawin bukas ang iba. Kung tutuusin ay puwede na siyang umuwi para makapagpahinga na. "Why?"
"Can I ask a favor from you? Agatha called. Ayaw daw tumigil sa pag-iyak ni Rainiel. She does not know what to do," problemadong sabi nito. "Maybe you can help her? Puwede mo ba siyang puntahan sa bahay para makita mo kung bakit ayaw tumigil ni Rainiel sa pag-iyak? I wanted to go home too but... I am having an important board meeting right now."
Iyon lang pala. "Okay, Reeve. I'll go." Kahit pagod siya emotionally, hindi niya matatanggihan ang pinsan niyang 'to. Reeve helped her find a decent house in Singapore, covered her absence in the Philippines, shut the media up for all the rumors circulating before...Reeve helped her parents pull all the strings just to protect her and Miggy. How could she ever say 'no' to him?
"Thank you," he sincerely said. "By the way..." He cleared his throat. "Alam ni Agatha ang tungkol kay...Miggy."
Napasinghap siya. "What?"
"I'm sorry. Nakita niya minsan ang picture namin ni Miggy. She asked me who was the child. I... I cannot lie to my wife. But she promised not to tell to her cousins."
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomantizmAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...