*Fast forward*
SECOND SEM na bukasssss! Sana kaklase ko parin yung mga mokong na yun. Gusto kong magbasketball tutal linggo naman, di kase ako makakapaglaro bukas at enrollan pipila ng napakahaba. Tinext ko mga tropa ko.
To: Nico, Nicole, Christian, Cyrus.
"Tol, bb tayo? Kitakits sa court."Maya-maya ay nandito na sila, pero wala si Cyrus. Napakatamad talaga ng mokong na yon. Naupo muna kami, may naglalaro pa naman. Bigla akong kinausap ni Tol Nicole.
"Pre, nabalitaan ko last sem, may sinave kang girl? Sino yon? Dimo naikwekwento samen". Sabi ni Nicole.
"Ah si Diana, kapit bahay namin. Sila yung lumipat sa kalapit namin." Sagot ko.
"Chixx ba pre?" Sabi naman ni Nico, basta talaga chixx eh.
"Masungit yon mga brad, di nga ako umubra don eh." Pabiro kong sagot.
"Malay mo, mapagbago mo." Sabat naman ni Christian. Anong ibig sabihin non?
"Maglaro na nga tayo!" Sabay tayo ko. Na'hot seat pa ako eh! -.-Halos isang oras din kaming naglaro ng napagpasyahan naming umuwe. Naglalakad ako, nakita ko na naman si Diana sa terrace nila mukang may ginagawa siya, parang nagsusulat. Diko na siya binati, baka makita niyang basa ako ng pawis ma-turn off pa hahaha. Pumasok na ko sa bahay, nakita ko si Nanay sa kusina nagluluto siya para sa tanghalian namin.
"Nay, kain na ho tayo. Mukang masarap yan ah." nakangisi kong sabi.
"Help, dalhan mo sina Lily ng ulam. Gusto ko matikman nila ang luto ko." Si Nanay.
"Osige ho. Akin na po" sabay kuha ko ng ulam at pupunta na ako kina Ate Lily.Nasa tapat na nila ako, diko kayang buksan ang gate dahil two hands ang gamit ko sa pagbitbit ng ulam tsaka mainit pa eh. Bagong luto. Kaya naman tinawag ko si Diana..
"Diana!" Unang tawag. Di ako pinansin.
"Dianaaa!" Pangalawang tawag, di parin ako nililingon. Nakita ko naman na lumabas sa pinto ang kanyang Mama. At pinagbuksan ako ng gate. Wow, Mama pa yung nagbukas sakin. Loko talaga to! -.-"Ate Lily, pinapabigay ho ni Nanay, tikman niyo daw po luto niya." Sabi ko kay Ate Lily.
"Nako, salamat kamo. Teka't isasalin ko. Intayin mo yung lagayan. :)" sabi naman niya.Tiningnan ko si Diana, nagsusulat siya. Ganon ba siya ka-busy para di man lang ako batiin? Wow, strangers na ata kami. Di niya ako pinapansin. Osige, ako na ulit first moved. Tatawagin ko siya...
"Hi Diana." Ako, nakangiti.
Tiningnan niya lang ako, walang reaksyon. Anong meron dun? Nagsulat ulit siya. Sinilip ko kung ano yung sinusulat niya. Pero bigla siyang tumayo at sinara yung motebook niya. Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Naiwan ako doon, di man lang ako nilingon. Ang suplada! -.-"Sean eto na lagayan. Salamat ulit. Masarap magluto ang Nanay mo." Sabi ni Ate Lily.
"Wala po iyon. Una na po ako Ate Lily." Paalam ko sa kanya. Pero bigla niya akong tinawag.."Teka Sean, enrollan niyo na bukas diba? Samahan mo si Diana ha? Mahiyain yon. Tsaka baka maligaw." Pabirong sa ni Ate Lily.
Tuluyan na akong umuwe. Kinagabihan, nakahiga na ako sa kwarto ko, iniisip ko parin kung anong problema ni Diana. May regla siguro kaya di namamansin. Ang alam ko kase pag meron ang isang babae nagiging moody. Baka nga may dalaw. Pero di parin ako satisfied sa dahilan ko, nag-isip ko kung may nagawa ba ako? Pero para akong tangang naghahanap ng sagot eh alam ko namang wala. Inisip ko na lang na baka ganun lang yun, bukas wala na yon.
Hay, Diana Roldan. Allergic ka ba sa Sean De Leon na katulad ko?