** Sasabihin ko na... **
Gail's POV
Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Fr. Nico. Kahit kasi sabihin nating aksidente lang yun, iba pa rin talaga nakakahiya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nandyan siya. Naiilang kasi ako. Kahit pilitin ko ang sarili ko na mag act ng normal, hindi ko magawa kasi kapag nakikita ko siya, naaalala ko yung nangyari. Ayos lang sana eh kaso ako nga, may feelings ako para sa kanya kaya ganito na lang ako kung mag-react. Nahihirapan na kasi ako. Kung sana kasing dali lang ito ng pagputok ng bula para mawala, ginawa ko na.
Nandito ulit ako sa ilalim ng puno ng mangga na palagi kong tinatambayan. Maaga kasi akong umalis sa simbahan at agad na pumasok dito sa school kahit may practice lang kami. Siguro mas okay na ganito na umiwas muna ako ng kaunti? Feeling ko kasi mas lalo lang akong nafafall sa kanya. Wala naman siyang kasalanan eh. Kasalanan 'to ng puso ko na minsan na nga lang titibok, sa isang pari pa! Hindi man lang mamili ng maayos. Yung tipong magkakaroon naman ako ng pag-asa kahit kaunti hindi yung ganito na umpisa pa lang, tapos na ang laban dahil ako na mismo ang susuko. Kung suswertehin, ayoko naman maging dahilan ng pagbaback-out niya sa pagpapari no! Mas gusto kong masaktan na lang. Ganun na ba ako kamartir? Na hindi man lang lumaban? Kapag ba ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, ipaglalaban mo? Ako kasi mas gusto ko na magpalaya na lang. Sa ganito kasing pagkakataon, hindi porke't umibig ka, dapat masuklian. Minsan, kailangan nating magsakripisyo para sa ikaliligaya ng lahat. Oo masakit at mahirap pero sa huli, marerealize mo na may mabuti rin itong bunga. Hindi naman lahat ng love story ay katulad ng mga fairytale at mga napapanuod natin sa mga palabas na pag umibig ang mga bida, ipaglalaban nila. Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon at sariling depinisyon ng pag-ibig. Siguro sa akin, ganito ako magmahal.
"Ibibigay ko ang pagmamahal ko sa kanya na kahit alam kong hindi niya to susuklian. Ang pag-ibig para sa akin ay ang mahalin ang isang tao kung sino siya at kasabay nito ang pagtanggap sa katotohanan. Kung mahal mo talaga ang isang tao, handa kang masaktan sa kung ano ang sitwasyon niyo. Handa kang tumalikod at magsinungaling sa sarili mo na masaya ka para sa kanya na kahit deep inside, nadudurog ka na."
Ang sarap pala mag-emote. Nakakaasar lang kasi at nagagawa niya kong magdrama ng ganito.
"Nandito ka nanaman." Huh? Sino yun? Lumingon ako.
"Ahh.. Ikaw pala." Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya.
"Sino pa ba? " Saka siya ngumiti. Hay nako PJ. "Pansin ko lang, sa tuwing nandito ka, mag-isa lang at ang lalim ng iniisip mo. Napakamisteryoso mo." Habang sinasabi ni PJ yun, umupo siya sa tabi ko.
"Hindi naman. Nagkakataon lang siguro." Saka ko rin siya nginitian.
"Hhmm... May problema ka ba?" Parang naiilang na tanong niya. "Nandito lang ako, pwedeng makinig."
"PJ..." Sabi ko.
"Hhmmm?" Tumingin siya sa akin na parang nagtataka kung bakit ko siya tinawag.
"Salamat ha?"
"Para saan?" Nakita kong kumunot pa ang noo niya.
"Kasi lagi kang nandiyan eh. Ang ganda lagi ng timing mo."
"Ikaw talaga napakadrama mo!" Tumawa siya sabay pisil sa ilong ko.
"Seryoso nga kasi. Thank you talaga."
"Sus! Wala naman sakin yun. Basta ikaw! Lakas mo kaya sakin. So ano na?" Pagtatanong niya ulit.
Si PJ ang laging nasa tabi ko, ang savior ko. Kailangan ko ng someone na makakatulong sakin. Siguro panahon na para sabihin ko sa iba ang nararamdaman ko. Si PJ, alam kong mapagkakatiwalaan ko siya, hindi niya ko huhusgahan. PJ, sana maintindihan mo ako...
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love [Completed]
Ficção AdolescenteHindi kasalanan ang magmahal. Magmahal ka na't lahat 'wag lang si Father. :) [2015] Unedited