Alas tres pa lang ng madaling araw pero ready na akong pumasok sa school. Mahirap kase pumasok sa school lalo na't enrollan ngayon. Madaming tao, siksikan at higit sa lahat ubusan ng number. Maigi na yung maaga. :) Naalala ko na isasama ko pa nga pala si Diana. Ano kaya gising na yon? Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya.
"Goodmorning Diana. Gising ka na ba? Ready na ako. :)" text ko sa kanya.
Ilang minuto pa lumilipas di parin siya nagtetext. Baka tulog pa yon. Ayokong maubusan ng number. Kaya't pinuntahan ko siya sa kanila.
"Ate Lily!" sigaw ko sa labas ng bahay nila. Nakakahiya kesyo alas tres pa lang ng madaling araw sumisigaw ako.
Walang taong lumabas, nagpasya ako na 4 am ako aalis kahit di siya kasama. Gusto ko makapag-enroll ngayon. Tinawagan ko na siya, naiinip na ako. -.- baka pang 200+ na ako sa pila nito.
*Ring*Ring*Ring*
"Cannot be rich ang walanja" nagsalita akong mag-isa. Nag-iwan ako ng msg sa kanya.
To: Diana Roldan.
"Una na ako, pasensya." text ko sa kanya.Sumakay na ako ng tricycle. Nang makarating na ako sa school, tama nga ako madami ng tao at ang haba ng pila. Nanghingi ako sa guard ng number, pang 225 na ako. Hayst! Umupo ako sa bench tutal tinatawag naman nila ang number sa mic kaya rinig ko iyon. Ang tagal pa ng akin maboboring ako panigurado. Napagpasyahan kong bumili ng maiinom sa food court, ng matanaw ko ang isang babae na kumakain sa pang tatlong lamesa, may kasama siyang lalaki. Alam ko na si Diana yun kahit nakatalikod. Sino kaya yung kasama niya? Gusto ko sana siyag batiin. Nahihiya ako, wag na lang kaya?! -.- Ano ba yan! Sige nga nga, diko naman to matitiis eh. Lumapit akooo.
"Huy Diana." bati ko sa kanya. Tumingin lang siya sakin at tumango. Napatingin ako sa kasama niya. Gwapo siya, may itsura. Sino siya? Bat niya kasama si Diana! :3
"Inintay kita sa inyo, bat dika sumasagot sa tawag at text ko?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Di na ako bata!" iba ang tono ng boses niya.
"Pero naibilin ka ng Mama mo saken." mahinahon kong sabi sa kanya.
"Sinabe ko na kay Mama na wag mo na kong samahan. Na kaya ko na! Kaya pede ba. Kumakain kami nung kasama ko!" pasigaw niyang sabi.Wala akong nagawa kundi iwan sila nung kasama niya. Parang nahirapan ako biglang huminga, ang sakit ng lalamunan ko. Bat ganito? Parang ang sakit. Ang sakit pala sa ego ang hindi mapansin. Sino nga ba ako sa kanya? Dapat bang diko siya pakealamanan dahil malaki na siya. Oh ako lang yung may gustong ipagsiksikan ang sarili ko. :( first time kong magkaganito. Feeling ko nabusted ako! :( Umupo ako sa bench, actually di ako nakabili ng inumin sa nangyari kanina. Di na siya yung Diana na kilala ko. Tinawag na ng organizer yung number ko kaya agad akong tumakbo sa function hall para sa assesment. Wala akong gana ngayong araw. Feeling ko, nanghihina ako. Natapos ako sa assesment tsaka nagbayar sa cashier. I'm totally enrolled! Kaya uuwe na ako. Sumakay ako ng tricycle, nakita ko na pasahero din si Diana sa tricycle na sasakyan ko. Diko siya pinansin. Hanggang makababa ako, diko siya pinansin at di rin niya ako pinansin. Pumasok na ako ng bahay at nagpahinga.
Di ko na siya crush, mahal ko na ata siya. <3