Musika

6 0 0
                                    

Tahimik lamang akong nakaupo sa isang lugar pilit inaalala ang bawat pagkakataong tayong magkasama. Kasabay ng pagsaliw ng musika na naging dahilan ng ating paglalapit. Musikang naging dahilan upang umusbong ang pagiibigan.

Kay sarap balikan ng bawat alaalang kasama ka bawat lugar na naging saksi sa pagiibigan nating dalawa lugar na naging saksi kung gaano tayo kasaya.

Ang iyong mga mata na kay sarap masdan mga matang nakakakita ng aking halaga kay sarap isipin na ang mga matang iyan ay saakin lamang nakatingin kay sarap pagmasadan ng iyong mata na kumikislap dahil sa sobrang kasiyahan mga matang nagsasabi na ako lang ang iyong mahal.

Ang iyong mga kamay na tila sadyang nilikha upang punan ang natitirang awang sa aking mga daliri. Mga kamay mong handang umalalay at sumalo sa tuwing ako'y nahihirapan mga kamay na handang yumakap at pumahid sa mga luhang kumakawala sa aking mga mata mga kamay na nagsabing kailanman ay di kita bibitawan.

Ang iyong mga labi na kay sarap hagkan mga labing nagsasabi kung gaaano mo ako kamahal mga labing nagsasabing mahal akin ka lang, mahal kita at di kita iiwan. Mga labing nagbibigay ng ngiti na kailanman ay di ka magsasawang pagmasdan.

Napakasarap alalahanin ng bawat masasayang alaala nating dalawa mga alaalang mananatiling alaala nalang. Lahat ng masasayang pinagsamahan nati'y naglaho na. Ang iyong mga mata na noo'y saakin lamang nakatingin ngayo'y pagmamayari na ng iba ang iyong mga kamay na handang sumalo at umalalay saakin ngayo'y handa ng sumalo ng iba ang iyong mga labi na dati'y ngumingiti para lamang saakin ngayo'y ngumingiti na para sa iba.

Ang musikang naging dahilan ng ating pagkikita. Musikang nagbigay sigla at mas nagbigay kulay sa ating pagiibigan. Ngayon ang musika ang aking naging sandalan buhat ng ako'y iyong iniwan.
Mahal bakit ka ganyan? Bakit mo ako iniwan.

Tumayo na ako't nilinisan ang lugar saksi sa aking pagsaya at unti unting pagguho. Kasabay ng aking paglisan ay iiwan ko nadin ang lahat ng alaala nating dalawa maging ang musikang minsa'y magpapaalala ng lahat ng saya at sakit na dinanas ko buhat ng makilala kita.

Paalam mahal sana masaya ka na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon