OWY'S POV
"O-owy!". Halatang nagulat siya ng makita niya ko. Nagulat sila? Ako din nagulat e. Ano ibig sabihin lahat nito? Totoo ba yung mga narinig ko, na gusto makita at makausap ni Jubail si Ranz? Bakit? Ginagago ba nila ko??
Pinilit kong ngumiti sakanila. Si Jubail halatang gulat na gulat. Bakit? Kasi nahuli ko siyang nandito mismo sa bahay ng ex niya? Aba t*ngn*!
"Ganda pala ng timing ko e. Anong meron? Reunion?". Nakangisi kong sabi, pero deep inside gustung gusto ko na manapak.
Ang galing nga ng timing ko, nagkita kami ng ex ko at nagkita si Jubail at ang ex niya. Ginagago ba kami ng tadhana?
"O-owy..". Nginitian ko siya nang may halong hinanakit. Kelan pa niya ko niloloko? For Pete's sake! Nag uumpisa palang kami pero niloloko na niya ko!
"Pasok kayo sa loob.". Binuksan ni Ranz yung gate at pinapapasok kami. Naunang pumasok si Shane. At sumunod ako, nang madaanan ko siya pasimple akong bumulong.
"Explain everything..later.". Then pumasok na ko sa loob.
-
RANZ'S POV
Nandito kami sa sala ngayon, pinaghanda ko na ng miryenda yung yaya namin. Ang tahimik, walang nagsasalita kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"So kamusta kayo? It's been a long day.". Tumingin ako kay Jubail, na nakatingin din pala sakin.
I miss her..
"Ayos lang naman brad, gwapo pa din sayo.". Nag poker face ako sakanya.
"Wala ganon pa din.". Sabi naman ni Shane. Nahuhuli ko syang napapatingin kay Owy.
Ang galing lang, parang dati lang ang saya saya namin na magkakaharap. Pero ngayon? Anong nangyari?
"How about you Jubail?". Nagulat ata sya sa tanong ko. Napatingin naman sya kay Owy na nakatingin din sakanya. Oky. I hate this feeling!
"H-huh.. O-okay lang.". Halatang kinakabahan siya. Napansin ko lang, lalo siyang gumaganda..
"Ahm guys, una na pala ko. May gagawin pa ko e.". Tumayo na si Shane.

YOU ARE READING
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Random-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...