"Anak gising na, may pasok ka pa!" sigaw ni mama sa tapat ng pinto ko.
"5 minutes pa Nay." sagot ko na husky pa ang boses. Inaantok pa ako eh.
Pagbukas ko, handa na ang umagahan. Kumain ako, naligo at.nagbihis. Naka tapat ako ngayon sa salamin, naiisip ko na naman si Diana. Dapat diko siya naiisip eh, galit ako sa kanya. Sa nangyari sa school. Hayst, erase! Erase!
"Nay, alis na ho ako." sabi ko kay Nanay.
"Okay anak, ingat ka." sabi sakin ni Nanay. At tuloy na akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Diana na papasok din. Napatingin ako sa suot niya, naka-uniform na siya ng school namin. Bagay sa kanya ito, lalo siyang gumanda. Natulala na naman ako sa kanya."Para po." narinig kong sabi ni Diana sa tricycle.
"Ikaw iho, sasakay ka ba?" tanong ni manong driver sakin.
"Ay hindi ho. Iniintay ko pa po yung baon ko eh." pagsisinungaling ko sa driver, sabay tingin ko kay Diana na nagcecellphone. Diko siya binate, salagay diko pa kaya eh. Ang sakit nung sinabe niya sa foodcourt. -.- pasalamat siya mahal ko siya. -.- tuluyan ng umalis ang tricycle sa harap ko. Di man lang talaga ako nagawang lingunin ni Diana. Ano bang meron at ganun siya saakin? Give me some answer please! :(
--
Nasa school na ko, daming tao ngayon. Yung iba naka civilian pa, alam ko naman na dipa regular class dahil sa schedule. Naisipan kong itext ang tropa ko kung nasan sila.To: Nico, Nicole, Christian, Cyrus
"San kayo bro?" text ko sa kanila.From: Christian.
"Dito kami sa foodcourt, kasama.namin si Diana pre." reply niya.
Anak ng tokwa, bakit kasama nila yon? Pupunta pa ba ako?
"Ah, sige. Wait ko kayo sa tambayan natin." reply ko. Di na ako pupunta, ano naman kung andon si Diana? Galit ako don. Pero curious ako kung bat kasama nila ang mahal ko ay este si Diana? Sht, aalamin ko na."Tol, bat kasama niyo si Diana?" text ko kay Christian.
"Pre, niyaya ni Nico ng lunch. Ayon sumama. Mabaet naman pare, easy to get ata tong neighborhood mo :D" text niya, na ikinasuya ko. Wow talaga, sa tropa ko nagagawang sumama sakin hindi? Allergic ata to sakin! -.-Maya-maya pa'y nagdatingan sila. Tinanong ko kung anong nangyari sa food court. Nang biglang sumabat si Nico.
"Pre, ang ganda ni Diana no? Liligawan ko yun. Lakad mo naman ako Sean. Malapit ka sa kanila eh. :)" wow, sakit sa heart pero diko ipapahalata. </3
"Ah eh. Try ko, di kase kami close non eh. Bat dimo kunin number?" sabi ko sa kanya. Pero andun parin ang sakit. Pretend pa Sean! Nauunahan ka na ng tropa mo.
"Di daw siya nag-cecellphone." sagot ni Nico. Anong hindi? Kanina nga hawak eh.
"Baka gusto, personal hindi through text ang panliligaw!" singit ni Nicole. Dinudurog na yung puso ko. Wala silang alam, at oo wala din akong alam na lubos about kay Diana. Diko pa alam ang personality niya. Ayokong isipin na tulad lang siya ng ibang babae riyan. Kung anong gusto at ayaw niya. Ang hirap niyang intindihin. Diko pa nga talaga siya lubusang kilala. Pero bat ang dali namang mahulog ng loob ko sa kanya. Dahil ba maganda siya? Na love at first sight ako? Ewan ko ba. Wala naman akong standards sa babae eh. Tsaka walang pa akong nagiging girfriend since high school. Di ako bihasa sa panliligaw, wala akong alam sa mga ganung bagay. Pero para kay Diana lahat susubukan ko. Kahit sa kanya ko unang maranasan ang rejection eh wala eh siya naman ang tinitibok nito eh. I risk it all sabi nga sa kanta.
--
Nakauwe na ako sa bahay. Nagbihis ako, at tumambay sa terrace namin. Nakita ko si Diana, nagsusulat na naman siya. Ang sipag pa nga nito pag nasa bahay. Gusto ko siyang tawagin. Ay, itetext ko na lang pala. Bababaan ko na pride ko. Ts."Hi Diana." text ko.
Nakita kong tiningnan niya ang cellphone niya. Nabasa niya siguro yung msg ko. Pero nakita ko rin na naibalik niya sa pwesto yung cellphone niya. Di siya nagreply. Ano kayang meron dito at ako'y inoolay."Anak, may gusto ka ba sa kanya?" si Nanay na nasa likod ko pala.
"Nay, hindi ah. Kaibigan ko lang si Diana." sagot ko na may halong kaba.
"Kaibigan? Eh bakit diko kayo nakikita na nag-uusap man lang?" tanong ulit ni Nanay. Daming tanong ha?
"Naalala niyo ba nung birthday ni Ate Lily? Nag-usap kaya kami." sagot ko ulit. Tsaka Nay, wala sakin ang problema nasa kanya! -.-
"Anak kita. Alam ko kung anong nararamdaman mo." nakangiting sabi ni Nanay.
"Ganito kase Nay, sa araw-araw naming pagkikita di niya ako pinapansin. Eh ako kaya nagligtas ng buhay niya sa school nung may nagyaya sa kanyang mga lalaki na mag inom. Magkaibigan na kami, pero dumaan ang ilang araw. Pumasok ang sem na to, di niya ako pinansin, parang di niya ako kilala. Diko nga alam kung bakit eh. Pangit ba ako Nay?" paliwanag ko kay Nanay.
"Anak, itanong mo sa kanya kung anong problema. Para magkaroon ka ng kasagutan. Sige ka, mabaliw ka diyan kaiisip. Daig niyo pa mag nobyo at mag nobya. Parang pinaghiwalay kayo sa lungkot." pabirong sabi ni Nanay. Si Nanay talaga kahit kelan oo. Napatingin naman ako kay Diana na nagsusulat parin.Gagawa talaga ako ng paraan para mapalapit sayo Diana.