Chapter 1 - The Break Up

287 4 0
                                    

MAINE'S POV

"Maine, I'm sorry... but I'm breaking up with you."

Napatulala lang ako kay Mark nang marinig ko ang sinabi niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may luha nang natulo sa mga mata ko.

"Bakit, Mark? Saan ba ako nagkulang? M-mark sure k-ka na b-ba diyan? Mark p-please! If y-you need space, okay lang! L-lalayo ako kung 'yan ang gusto mo. N-nasasakal k-ka na ba?" tuloy-tuloy kong tanong kay Mark pero di siya sumasagot.

Hindi rin siya makatingin sa akin pero hindi siya umiiyak. Bakit? Ako lang ba ang nasasaktan?

"Mark p-please don't leave me!!"

Hinawakan ko pa siya sa braso pero tinanggal lang niya ang kamay ko.

Hindi pa rin siya makatingin sakin.

"Mark naman! Hindi ka man lang ba iiyak? Ako lang ba 'yung nasasaktan? P******** naman Mark! Ano ba?"

Naiinis na ko sa kanya kaya sinusuntok ko na rin siya. Hindi naman siya pumapalag pero hindi pa rin siya makatingin sakin.

"I'm really sorry, Maine. Pero lalo ka lang masasaktan pag pinatagal pa natin 'to"

"Ako lang 'yung masasaktan? T****** naman Mark eh!! Bakit ba kasi kailangan nating maghiwalay? Okay naman tayo diba? May iba ka ba?"

"I'm really sorry Maine. I have to go."

At ayun. Iniwan niya na nga ako nang tuluyan.

3rd anniversary pa man din namin ngayon. Nandito lang naman kami sa Sagada. And yes, iniwan niya rin ako dito. Pucha paano ako babalik sa hotel namin?!

May gig 'yung banda namin sa Baguio. Naisipan lang namin.. at ngayon ko lang narealize na ako lang pala ang nakaisip, na magpuntang Sagada since anniversary nga namin.

Bago pa man maging kami, bandmates na kami. High school pa lang kami nang nabuo 'yung banda namin ("Technical Error") at sa banda na rin kami na-fall sa isa't isa. Lima kami sa banda: ako, si Mark, si Lara, si Vin, at si Dylan. Si Lara ang bassist/vocalist, si Vin ang pianist, at si Dylan naman ang guitarist.

Ngayon, college na kami at sa iisang school pa rin kami napasok, pero magkakaibang kurso kinuha namin. Tourism ang course ko. 'Yung shooting, gig, guestings, tours, recording namin, ginagawa lang namin pag free kami lahat. Pero syempre may namimiss kaming mga class kaya nakikiusap na lang kami sa mga prof namin.

Drummer ako sa banda at vocalist naman si Mark.

Hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa hotel na tinutuluyan namin. Sabagay ganun naman talaga ako pag nag-cocontemplate ng buhay. Hindi ko na namamamalayan kung saan ako nakakarating.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ko ay bagsak agad ako sa kama.

"Oh Meng, anong nangyari sa'yo? Bat ganyan 'yung mukha mo?" tanong sakin ni Lara, best friend ko na kasama ko rin sa banda.

"Bakit? Ano bang meron sa mukha ko?" nagtatakang tanong ko.

"Check check din sa salamin pag may time." sabi niya naman at dumiretso na siya sa comfort room.

Bumangon lang ako para kunin ang phone ko sa bedside table.

At shocks! Mukha akong zombie! Iyak ako nang iyak kanina at nakalimutan kong kagagaling ko lang sa gig kaya syempre may make up pa ko! 

"OMG LARS!!! Kaya siguro tingin nang tingin sakin 'yung mga tao kanina! Akala ko narecognize lang nila ko 'yun pala!!! OH MY GOSH LARS AYOKO NA!!!"

At umiyak na naman ako. As in hagulhol talaga. Dumapa na rin ako sa kama at nakasubsob na ko sa unan. Lumabas naman ng comfort room si Lara at naka-pangtulog na siya at tumabi na agad siya sakin.

"Bakit ba kasi ganyan ang itsura mo, Meng? Anong nangyari?" tanong ni Lara.

"N-nakipagbreak s-sakin si M-mark! LARAAAA HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO!!!"

"Okay lang 'yan, Meng. Makaka-move on ka rin." sabi naman ni Lara na hinihimas 'yung likod ko.

"Teka Lara, bakit parang hindi ka na-shock na nakipagbreak siya sakin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Kasi parang.. Parang alam niya nang makikipag-break sakin si Mark sa reaction niya??

I was expecting her to be shocked.  Ilang years na kaming magkaibigan, tapos ganito lang reaction niya?

"Ano ka ba, Meng. Itulog mo na lang 'yan. Alam kong stressed ka at kailangan mong magpahinga dahil marami ka pa ring paperworks sa school."

At ayun. Tinulugan ko na lang ang mga problema ko. Sarap takasan eh.

---

[A/N: Hello! Please support my story. Medyo maikli 1st chapter :) Baka rin maging busy na ko by January because of school.]

Now That I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon