Hindi ako pumasok ngayon. Masama ang pakiramdam ko. Nasan kaya si Nanay? Sobrang bigat ng katawan ko. Hinanap ko si Nanay sa buong bahay, wala siya. Lumabas ako ng bahay kahit ang sama ng pakiramdam ko. Nakita ko si Nanay na kausap si Ate Lily. Tinawag ko si Nanay.
"Nay, may gamot ho ba tayo sa cabinet? Masama po pakiramdam ko. Di po ako papasok." Sabi ko sa Nanay ko.
"Teka lang kumare ha, mamaya mo na ituloy ang kwento mo." Sabi ni Nanay kay Ate Lily. Nginitian naman ako ni Ate Lily. Parang may pinag-uusapan sila at naputol ko ata."Nay, anong pinag-uusapan niyo ni Ate Lily?" Tanong ko kay Nanay.
"Ay anak, wala yon." Halata na may tinatago si Nanay sakin.
"Nay, ano nga po." Pilit ko.
"Nakwento sakin ni Kumare na may umakyat daw ng ligaw sa kanila. Nico daw ang pangalan, nililigawan si Diana anak." Sabi ni nanay sakin na ikinagulat ko.
"Ganun ba Nay." Sabi ko ng matamlay.
"Anak, alam mo ba. Akala ng Nanay ni Diana ikaw ang manliligaw ni Diana kagabi. Pero di daw ikaw yung nailuwa ng pinto nila." Nakangising sabi ni Nanay.
"Hay nako Nay, kung ano-ano naiisip niyo ni Ate Lily. Nahihiya tuloy ako." Sabi ko naman.
"Yang hiya na yan Anak, walang pupuntahan yan. Sa tingin ko'y gusto ka ng Nanay ni Diana sa anak niya." Dugtong ni Nanay.
"Nay, bata pa kami. Kung makapag-usap kayo parang magpapakasal na kami ni Diana." Ha? Magpapakasal kami ni Diana. Gusto ko ata yon. :)
"Malay mo naman kase, maunahan ka ng iba. Mahirap na" sabay tapik ni nanay sa balikat ko. Anong nakain ng Nanay ko? May sakit ako, kailangan ko ng gamot! -.-Nagpahinga ako buong maghapon. Gusto ko sanang tumambay sa terrace baka sakaling makita ko si Diana kaso di kaya ng katawan ko. :(
Nagulat na lang ako ng biglang may pumasok sa bahay namin si..."D-diana? A-anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya ng may pagkagulat.
"A-ah, inutusan ako ni Mama na dalhin to sayo. Inumin mo daw yan. Nasa amin nga pala Nanay mo. Nag-uusap sila ni Mama kaya ako na nagdala. May sakit ka raw?" Sabi niya sakin. Wow! As in wow! Pinansin niya ako, ano to? Kung kelan niya lang maisipan na kausapin ako? May toyo talaga to sa utak eh! -.- pero bakit concern siya? Feeling ko lang ba to? Oh nag-aassume lang ako? Ano ba to. Kabuong lalaki ko nag-aassume ako. Hayst! Okay, back to reality Sean."Ano yan? Ang pangit ng amoy. At tsaka wala ka bang pasok?" Tanong ko sa kanya.
"Tawa-tawa yan. Mabisa daw yan. Inumin mo na lang. Absent ako eh sige iwan na kita" Sagot niya,akmang aalis na siya ng tawagin ko siya. Ito na ang time para matanong ko siya.."D-diana? Sandali!" Sagot ko.
"Hm" sagot niya.
"Magkaibigan na tayo diba?" Tanong ko.
"Oo naman, di pa ba Sean?" Loko to. Sinagot ang tanong ng patanong din. Nice Diana Roldan! -.-
"Ah, eh bat dimo ko pinapansin nung nakaraan?". Tanong ko ulit. Sagutin mo please. Last na yan!
"W-wala, bakit anong meron pag pinansin kita?". Nakita kong namula ang muka niya habang sinasabe niya yon. Diko talaga to maintindihan.
"Ah wala naman, gusto ko lang malaman mo na gusto kita.. gusto kitang maging kaibigan." Sabi ko sa kanya. Ano ba yan! Naghuhumirentado na puso ko.
"A-ah okay, una na ko. Sige, pagaling ka Sean." Sabi niya at tuluyan na siyang umalis.Ngayon may sagot na ako. Pero di ito malinaw sakin. Kinikilig ako dahil kahit sa ilang sandali nagkausap kami at alam na niya gusto kong iparating na gusto ko siya.. gusto ko siya bilang kaibigan pero alam ko dito sa puso ko na higit pa ang tingin ko sa kanya bilang kaibigan. Nililigawan na siya ni Nico? Pano ko to aaminin sa barkada ko na ang gusto ni Nico ay gusto ko rin noon pa man. Maintindihan nila kayo ako. Haaaay, ininom ko na yung dala niya, gawa yon ng mama niya kaya alam kong ikabubuti ko iyon..
"Aaah! Ang pait ng lasa." Sabi ko sa sarili ko.
"Anak, si Diana nag-gawa niyan." Singit ni Nanay na nasa loob na pala ng bahay.
"Nang alin Nay?!" Tanong ko kay Nanay.
"Niyang tawa-tawa mo, pinilit niya pa si Lily na siya ang magdala niyan sayo. Ang totoo niyan, nakabihis na siya papasok, bigla na lang siyang nagbihis ulit ng pambahay at di na daw siya papasok. Naikuha ka ng dahon ng tawa-tawa sa likod bahay nila, siya pa nga naglinis ng mga ugat para mawala yung putik". Dugtong ni Nanay.
"Di man lang ako nakapag-thankyou." Sabi ko, napangiti ako sa kwinento ni Nanay. Totoo naman siguro yon. Di ako papaasahin ni Nanay haha. Sana totoo talaga. Oh Lord!Nagsisimula palang tayo para sakin. Kung alam mo lang Diana, kungalam mo lang.