Kanina pang hindi mapakali si Xarae sa kanyang kinauupuan,.
inatake kasi siya ng dysme, kanina pa siyang nakaupo sa isang bench malapit sa Qpav, kulang na lang magplanking siya dun dahil sa sakit, kung hindi lang sana siya naka skirt baka ginawa na niya yun, hindi pa naman niya feel ang commerce uniform nila.
Haaaay nakooo!
Tiningnan niya ang kanyang wrist watch, 10:50 na.
mag iisang oras na din pala siyang naghihintay sa mga kaibigan niya na nanuod ng practice ng mga Tigers.
Wala kasi ang prof nila kaninang first period, sakto naman na nagtweet si Teng na may practice ang mga ito. Kaya naman sumugod agad ang mga kaibigan niya para mag fangirls sa mga Tigers.
Tumingin siya sa may entrance ng Qpav..
nagdadalawang isip kung susulungin ba niya ang mga ito.
Pero pinilit niya ang sarili, mamaya siguro lalabas na din ang mga ito.
Isa pa, ayaw niyang magpakita kay Mr. Chinito.
Chinito who??
HAHA!
Andaming chinito sa mga tigers.
si bagong captain Jeric Teng, yung matangkad na may cute rabbit-tooth smile. Mehehe.
Si Paulo Pe, yung matangkad din na sa kinis ng kutis eh kinaiingitan nilang magkakaibigan.
si Kent Lao, yung cute na Sophomore na mahilig sa Spaghetti.
Si Aljon Mariano nga, pag ngumiti eh parang singkit din, pati na rin si Tan at So.
Pero hindi sila si Mr. Chinito ko.