Everyone's friend

20 1 1
                                    


Una kitang nakilala noong na-jumbled ang class natin noong junior highschool. Ikaw ang president sa class namin. Nacu-curious ako sa personality mo kasi ang daming bumoto sayong mga lalaki bilang president namin, inaamin kong di nga kita binoto kasi di kita kilala at isa pa magaling din namang chairman si Malou isa pa matalino siya. Pero bakit ikaw?

"Hi guys, uhm goodmorning ako nga pala si Tamara Castro. Thank you for voting me as your president. Andito ako palagi handang tumulong at ibibigay ko ang buong serbisyo ko" pagkatapos ngumiti ka, na sobrang nagpakabog ng puso ko.

Ang ganda ng mga ngiti mo, lumalabas ang dalawang dimples mo, at sobrang nakaka-intimidate.

Nagsigawan lalo ang mga lalaki, di ko alam kung bakit pero medyo nainis ako.

Nagdaan ang ilang weeks dun ka namin mas lalong nakilala, kaya pala gustung gusto ka ng mga lalaki ay dahil tinutulungan mo sila sa mga maliliit na bagay. Hindi lang din yung mga lalaki, basta kahit na sino tinutulungan mo. May hindi maintindihan sa Chemistry lalapit lang sayo kahit na sobrang busy mo tinutulungan mo pa rin. At sa marami pang mga bagay.

Takbuhan nila lagi sayo, may classmate tayong basagulero at palaging hindi pumapasok. Narinig kita kinakausap mo siya sa likod ng pila natin habang kasalukuyan ang flag ceremony.

Sabi mo kailangan na pumasok ni Anthony dahil kung hindi on probation ang abot niya, kinausap mo siya ng maayos at mahinahon. You gave him encouraging words na talaga namang effective ata sa kaniya dahil napangiti siya, pagkatapos tinulungan mo rin siyang mag-catch up ng lessons na na-missed niya kahit na marami ka ring ginagawa kasi, sa class president ka namin, sa outside naman sumasali ka sa extra-curricular activities.

Hindi madaling pagsabay-sabayin lahat ng yun, lalo na at hindi lang si Anthony ang priority mo. Andiyan ang projects, homeworks, at quizzes na kailangan mo rin paghandaan.

One time nahirapan ako sa algebra class natin, ikaw sana lalapitan ko kaso nung nakita kitang madaming ginagawa sa classroom uwian na noon at wala ng katao-tao sa room imbes na magpaturo ako sayo tinulungan kitang mag-check ng papers ng students ng adviser natin sa lower level.

Eto yung first time na nakasama at nakausap kita ng matagal, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kahit na tumutulo na pawis mo habang nagche-check ngumingiti ka pa rin at nakikipag-usap sakin. Pagkatapos natin mag-check nag-thank you ka dahil tinulungan kita, grabe sobra akong kinilig dun. At nakita mo rin bigla yung algebra book at notebook sa tabi ko. Tinanong mo ako bakit nakalabas, magpapalusot na sama ako kaso bigla mong nahulaan na magpapaturo ako sayo. Napakamot ako sa batok ko sa sobrang hiya, kaso natawa ka lang. At sabi mo sana sinabi ko na lang agad para naman nag-focus muna kami dun para maaga ako nakauwi. Sa ganiyang state iniisip mo pa rin ako.

Akala ko sasabihin mong ayaw mo magturo kasi sobrang late na, kaso sinabi mo bukas na lang kasi kailangan mo na umuwi at may curfew ka pa. I suggest na sa bahay niyo na lang kasi gusto ko makilala parents mo, kung may mga kapatid ka ba, kung anong klaseng pamilya meron ka dahil sobrang bait mo. Kumbaga nasayo na ang lahat.

Kaso tumanggi ka at nauutal akong sinagot na hindi pwede kasi strict ang parents mo at hindi pwedeng magdala ng lalaki. Hindi ako masyadong kumbinsido kasi noong mga time na yun hindi naman Maria Clara at okay lang naman magpaturo sa bahay ng kaklase kasi wala namang masamang gagawin di ba.?

Pero kahit na ganun di na kita pinilit kasi nirerespeto ko yung sinabi mo. Baka nga strict ang parents.

Kinabukasan, nagkita tayo papasok sa gate ang dami mong bitbit hindi ko malaman kung anong mga laman. Tinulungan kita kasi halata ko sa ugat ng mga kamay mong mabigat talaga, paano mo nabuhat yun at nakapag-commute pa?

Everyone's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon