CHAPTER I

44 4 1
                                    

"Order for table #5. Alex pakibilisan ang kilos." kinuha ko yung tray na may lamang baked mac at iced tea at dinala sa table #5. Busy ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Sunday kasi ngayon kaya maraming pamilya ang kumakain.

Ako nga po pala si Alex Joy Fortez. AJ na lang po itawag niyo sakin para mas maikli. Working student po ako. turning 19 na po. 6 months pa lang nagtatrabaho dito sa restaurant.

"Miss." tawag nung isang costumer dun sa kabilang end ng restaurant. So nilapitan ko na yung costumer para kunin yung order niya.

"May I take yo---" =___=

"Hi AJ." sabay hila sakin kaya naman napaupo ako sa tabi niya.

"Anung ginagawa mo dito?"

"Wala napadaan lang."

"Napadaan mo muka mo, sa kabilang road yung bahay niyo eh." tapos binatukan ko siya. Loko eh napadaan lang daw eh di namn dito yung daan pauwi sa kanila.

"Okay okay di nako napadaan. Namimiss na kasi kita eh. Ikaw di mo ba ako namimiss?"

"Hindi." bakit ko naman siya mamimiss eh blockmate ko to sa school monday to friday nakikita ko siya.

tinalikuran niya ako tapos tsaka nagpout. Kita kasi yung reflection niya dun sa glass wall ng restaurant.

"Oorder kaba o hindi? Busy dito sa restaurant kaya wala akong time para makipagdaldalan."

"Isang Iced tea at Spicy hot Wing." tapos tumalikod nanaman siya.

Oo nga po pala siya si Vincent Lim "vince" for short. Kababata ko po yan. Nag-iisang best friend ko rin po siya, medyo di nga lang ho halata.

After mga 10 minutes natapos na yung order ni vince kaya naman agad ko na itong dinala sa kanya. Di niya na ako kinibo mukang nagtatampo pa rin ata. May pagkamatampuhin kasi yun eh. Pero most of the times lalo na pag nasa school seryoso yun.

Natapos na rin yung trabaho ko. Medyo di ko inaasahang ganun kadami ang mga costumers. 8:00pm ang tapos ng trabaho ko sa restaurant. Monday to Saturday po yan. Palabas nako nang restaurant nung makita ko si kuyang janitor na mukang nakikipagtalo pa ata kaya naman nilapitan ko.

"Sir sarado na po kami kailangan niyo ng lumabas."

"Lalabas rin po ako, just let me wait for my friend."

"Sa labas niyo na lang hintayin Sir."

"Sige na po manong saglit na lang." napakamot na lang ng ulo si kuya janitor.

"Kuya. Sige na po ako napong bahala dito."

"Ah..sige."

Hinala ko si Vince palabas ng restaurant. Tsaka ko siya pinagsabihan.

"Anu kaba ha? Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho? Pati si kuyang janitor kinukulit mo."

"Ikaw eh, ang tagal mong magbihis eh naiinip nako."

"Wala akong sinabi na hintayin moko ah."

"Wala nga pero diba sabi ko namimiss na kita. Kaya dapat alam mong gusto kitang makasama."

"Ewan ko sayo adik ka talaga." tapos naglalakad na kami papauwi.

"Ui libre mo bukas ah." sabay ngiti niya sakin.

"Anong pinagsasabi mo dyan. Eh nilibre na kita last week eh dapat ikaw naman."

"Kahit na ba ikaw bagong sweldo eh." anak naman ng pating oh natandaan niya pang sweldo ko ngayon.

"Osige na sige na." - o - para namang may magagawa pako.

Nung makarating kami sa kanila inalok niya pakong pumasok kaso di nako tumuloy kasi madilim na at walang stars kaya baka umulan.

[ Wahaha singit po muna yung author. Mula restaurant po papunta sa bahay ni AJ nadadaanan po yung bahay nila Vince. Yun lang po ^ _ ^ ]

Di nga nagtagal bumuhos na ang malakas na ulan. Kaya naman tumakbo nako. Takbo lang ng takbo kahit na hinihingal nako. Nung makalapit nako sa bahay napansin kong may tao sa tapat ng gate. Diko alam kung anung gagawin ko. Mag-isa lang naman kasi ako sa inuupahan kong bahay. AJ isip. Isip anung gagawin ko??

---* END OF CHAPTER 1

Living with my FoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon