Aldrin
Dumating na yung mga teacher isa-isa silang pinakilala nung Dean pero di ko natandaan lahat. Ito namang si Wendyl walang pakialam sa mga nangyayari. Aalis na sana kami ng hikitin ko sya kaya lang sarado yung pinto tapos tinawag na din kami nung Dean at hinikit kami nina Karen. Ayoko nito, UUWI NA AKO!
Wendyl
Hinikit kami nina Karen at Niña papunta sa stage. 'Nu ba yan kailangan pa ba naming pumunta dun? Well, di talaga nila ako kayag hikitin malakas ako e. Pero si Aldrin mabilis nilang nahila sa stage at ayun nga dahil nagmamakaawa na si Al sumunod na lang ako. No choice e.
Nung makarating kami sa stage nagtago agad sa likod ko si Al. Siniko ko sya ng konti baka kasi mapagkamalan kami. Mahirap na AGS(all girls school) to e. Ibig sabihin di imposibleng magkaroon ng third sex. Medyo lumayo si Al pero nasa likod ko pa rin sya.
"Ano yan ba't ganyan ang suot nila?" Narinig kong sabi nung isang girl sa crowd.
"Akala ko pa naman maganda sila pumorma."
"Oo nga, bumili pa ako ng magandang damit para makasabay sa fassion nila tapos ganyan suot nila."
Aba di ko na man sila sinabihan na magsuot ng magara ah.
"Minamaliit yata nila tayo ah." Sabi pa nung isa tapos sumangayon yung iba.
"Hoy," maangas kong sabi sa kanila. Tumingin naman silang lahat sakin. "Wala akong pakialam sa suot nyo. Isa pa ganito talaga kami magdamit ni Al. Kung sinabi nyong pagandahan ang pinuntahan naming school sana di na kami dito nag-aral." Matapos kong sabihin yun nakanganga sila. As in nganga talaga. Bwahahaha...
Nilapitan ko si Al tapos itinakas ko na sya nakasukang lugar na yun. Ewan ko ba kung bakit pero naiinis talaga ako nung nakita ko si Ro na may babaeng nakapalibot. Kainis selos ako kasi galit sya sakin tapos nagagawa nyang makipagharutan sa iba. Babae pa, tsk. Wala ako n'on. Kainis.
Nahiga na lang ako sa kama ko ng magtxt si Al sakin.
AL: alam mo tol, sabi ni Rianna ang astig daw nung ginawa mo kanina. Maisip daw kasi talaga yung mga yun kasi classmate nya nung highschool at RR talaga yung tawag nila kay Ro.
Nireplayan ko nga. wala akong magawa e.
me: anong RR?
Ilang sigundo lang nagreply na sya. Mukhang di busy tong mokong na to ah.
Al: RR = Road Runner. 'Di mo ba narinig yung ibang girls? Yan daw yung tukso sa kanya kasi para syang road runner na ibon kapag tumatakbo.
Me: Ganun.
Al: yun lang reaksyon mo? Ganon?
me: ano bang gusto mong reaksyon ko?, ang sobrang maawa sa kanya.. e inaway nya ako di ba?
Sus, nang asar pa. Wala ako sa mood makipag asaran. Teka, maasa nga tong timang na to.
Me: huy, nakita ni Rianna ang pagtatago mo sa likod ko no? Anong sabi nya?
Tagal namang magreply nito. Busy na ata. Itinapon ko ng mahina yung cell phone ko sa kama tapos nagpagulong-gulong muna ako.
"Sorry kanina."
"Anak ng baka!"
Napalundag ako ng marinig kong magsalita sya malapit sa akin. Palundag akong napatayo at nanlaki yung mata nya ng magkalapit kami ng mukha. Tinitigan ko ang mga mata nya na nakatitig din sakin.
"A-Anong sabi mo?" tumingin sya ng masama sakin at nawala ang maganda nyang pagtitig kanina. "A-Ano kasi.. akala ko galit ka, kaya di mo ako kakausapin ng Four Years habang nandito tayo sa school." Inilayo ko ang tingin ko sa kanya at napakamot ng konti.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Teen FictionSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...