Hallway (one-shot story)

174 7 5
                                    

Naranasan mo na bang ma'in-love?

Ano nga ba ang feeling ng in-love?

Paano mo malalaman na in-love ka?


~~*~~

Second year college ako noon nung una ko siyang makita, nakasalubong ko lang siya sa hallway at doon nagsimula ang lahat..

"Miss, pwede ba kitang maging Girlfriend?.."

Hindi ko siya pinansin, tinitigan ko lang siya. Badtrip ako nung araw na yon, kaya hindi ko na lang sya sinagot kasi baka matarayan ko lang siya. Hinila na lang ako ng dalawa kong Bestfriend dahil alam nila na wala ako sa mood, baka kung ano pang masabi ko.


Dumaan ang mga araw at bigla na lang ulit pumasok sa utak ko yung nangyari sa hallway.. I admit hindi na nawala sa isip ko yun, parang ewan lang sa pakiramdam. Ang weird.. (O___o)?

Pero alam niyo ba, hindi ko matandaan yung face niya. Haha (^_^)v Hindi kasi talaga ako magaling sa pagpa-familiarize sa mukha ng tao eh. Basta ang natatandaan ko, naka-shades sya at bonnet kaya hindi ko masiyadong nakita ang mukha  niya.

May bigla naman akong naalala. Kamusta na kaya  si Paul? Pinsan siya ni Yvaine, childhood friend ko silang dalawa at si Mariott nung 1st year college lang namin sya nakilala ni Yvaine. Naalala ko siya bigla ng tanungin ako nung guy.  .  .

[Flashback]

"Jennella!" tawag niya sakin.

"Oh, ano yun?" --- Sagot ko ng hindi tumitingin, nagaayos kasi ako ng gamit ko.

"A-ahh ano,  a-ahmm.. pwede ba kitang maging Girlfriend?"

Napatingin naman akong bigla,

"P-paul, kung ano-ano na naman sinasabi mo eh! He-hehe. Baliw baliw ka na naman ba?"

"Jennella, Mahal kita, matagal na! Alam mo naman yon hindi ba?" --- Seryosong

sabi niya sakin.

"Paul, alam mo namang hindi pa pwede hindi ba? Mga bata pa tayo."

Hinawakan niya yung kamay ko at. . .

"Jenn, aalis na ko bukas at gusto kong malaman kung may nararamdaman ka rin para sakin.."

"H-ha? P-pero saan ka pupunta?" --- Sagot kong naguguluhan.

"Sa States na ako pinag-aaral ni Dad, kaya please Jenn, be my Girlfriend.." --- Seryoso parin niyang sabi.

"P-pero Paul, babalik ka pa naman hindi ba?"

Bigla siyang napatungo, "I don't know, maybe or maybe not?"

Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at ngumiti sa kanya. . .

"Paul, kahit hindi ko sabihin alam ko naman na alam mo na Mahal kita, pero kahit gusto kong sagutin yang tanong mo. Alam natin na hindi pa ito yung right time. Pagbalik mo, alam ko namang babalik ka eh hindi ba? Saka mo ulit ako tanungin." --- Nakangiti kong sabi.

Tinanguan naman niya ako at ngumiti..

[End of Flashback]

Kaya siguro hindi mawala sa utak ko yung scene sa hallway dahil kay Paul, kailan kaya siya babalik?

Pero sa tuwing inaalala ko yung scene sa hallway parang may iba akong nararamdaman, hindi ko mai-explain yung feeling! Hala, basta parang gusto ko ulit makita yung guy..

Hallway (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon