Habang nag-iisip ng gagawin ay muli ko siyang tinignan. Nakita kong basang-basa na siya at halos nanginginig na sa lamig. Tatawag na sana ako ng tulong nung bigla siyang tumayo at nagsimulang lumakad papunta sa direksyon ko. Sa sobrang takot ko eh hindi kona magawang makaalis pa sa kinatatayuan ko. T^T Naku po Lord...
"Ku-kunin niyo napo itong pera ko. Wa-wag niyo lang po akong sasaktan." nilabas ko naman yung pera ko at iniharap sa kanya. Pero wala siyang naging reaksyon patuloy pa trin siya sa paghakbang papalapit sakin hanggang sa....
O . O...
O___O''
"Ho-hoy lumayo ka sakin." nakayakap siya sakin. No hindi pala yakap, yun bang parang binubuhat ko siya.
"Ano ba! Lumayo ka sabi eh. Tatawag ako ng pulis." Sabi ko habang patuloy sa pagtulak sa kanya. Putik ambigat naman nitong lalaking toh.
*Blag*
Hala nagcollapse na siya. Anu nang gagawin ko. *panic mode* >_< Gusto ko sanang iwan na lang siya kaso gabi na at naulan pa. Kaya naman no choice ako. Inakay ko siya papasok ng bahay at dinala siya sa sofa. Basang-basa na rin ako.
Pagkatapos na pagkatapos kong magshower kumuha ako ng towel at ilang damit. Pinuntahan ko na si Kuyang Stranger. Di naman pala siya mama kasi mga 1-3 years halos lang ang age gap namin. Di pa rin siya nagkakamalay. Naku naman...
Matapos magpaligoy-ligoy ng ilang minuto nakakuha na rin ako ng lakas ng loob na bihisan si kuyang stranger. Well di ko naman po tatanggalin yung mga saplot na di dapat tanggalin eh. First I took off his shirt. Guess what? Opo may pagka-macho si kuyang stranger. Punas punas punas... sa kisame nako tumingin habang pinupunasan ko siya. Baka mamaya mapagkamalan pakong manyak eh. Next off the pants... 3 2 1. *woosh* Hay salamat naka-boxers po siya mga friend!
Pagkatapos ko siyang bihisan eh chi-neck ko yung temperature niya. 38.2C di po ako nurse pero alam kong mataas na yung temp niya. Kinuha ko agad yung gamot sa may kwarto ko at pinainom siya. Pero bago pa man matanong kung bakit siya nasa tapat ng bahay ko o kung ano man ang pangalan niya eh agad din siyang nakatulog ulit.
*not gonna get us. not gonna get us.* [ Ringtone po ni AJ yan ]
"Bakit?"
"Namiss lang kita. Ahaha gawa mo ba?"
"Matutulog nako, matulog kana rin."
"9:30 pa lang ah, aga naman. Usap muna tayo wala akong magawa dito eh."
"Bigti kana." ganyan lang po talaga ako. Pasensya na.
"AHAHAHA!!" o diba sinong di maaasar, sinabihan mo na ng ganun nakuha pang tumawa.
"Tapos kana ba?" sarcastic kong tanong.
"*ehem* tapos na. Punta ako diyan ngayon. Sleep-over!"
"Ayaw. Bahala ka matutulog nako."
"Good night. Ilibre mo na lang ako bukas. Babay."
"Bye."
At bago pa man tuluyang matulog chi-neck ko ulit si kuyang stranger. Nilagyan ko na lang siya ng kumot bago ako umakyat papuntang kwarto at matulog.
---
Wahh... late nako 6:25am na at di pa rin ako bihis. Rush rush rush 6:50am natapos ko na lahat at ready nako pumasok. Di pa rin nakaka-alis si Collin kaya nag-iwan na lang ako ng note sa mesa. Opo mga kaibigan Collin Jacob Perez ang full name niya kita ko po yung ID niya eh.
Pagdating ko sa school nakita ko sa may gate si Vince. Mukang inaantay niya ako.
"Late ka AJ. Dahil diyan double treat dapat."
"Hoy Vince maawa ka naman magbabayad pako ng renta at bibili ng pagkain noh."
"Ah basta dapat treat moko." tss... monster kang Vince ka.
After class pumunta kaming Canteen. Syempre nilibre ko si Vince. Di kasi ako titigilan nito pag di ko siya nilibre.
"Hinay lang sa paglamon Vince."
"Kalangan talaga LAMON, di ba pwedeng kain."
"Di pwede. =_="
"Punta ako sa inyo mamaya ah. Boring sa bahay eh."
Bigla kong naalala na meron nga palang stranger sa bahay.
"Di pa pwede. Makalat pa dun."
"Bakit naman?"
"Nagdala na kasi si Allen ng mga gamit sa bahay."
"Bakit dun na daw ba siya titira kasama mo?"
"Adik hindi. Binilan niya lang daw ako kasi di ko raw kakayaning bumili nung mga gamit."
"Bakit kasi nagtitiis kapa sa pagrenta eh pwede ka namang bumalik sa inyo."
"Hay nako.. baka matagalan pa bago ako bumalik samin."
---
Pagkatapos naming kumain balik klase na ulit. Diko maiwasang maisip kung ano na bang nangyayari sa bahay. Mahirap na may stranger kasi eh.
END OF CHAPTER II