Riot! A Love Like War

138 2 0
                                    

Riot! A Love Like War

Phepsy © 2013

Warning: This is a cliché story.

xx

Argh! Bwiset! Bwiset talaga!

Wag na wag ko lang talaga maaabutan ang balasubas na yun kundi makikita nya ang hinahanap nya. Gagawa-gawa ng kalokohan yung obvious pa na siya ang may pakana.

Dire-diretso akong naglakad papunta sa Room 434-sa room ng Class A. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa hallway dahil sa hitsura ko ngayon o kung mapatapon man ako sa detention office dahil sa gagawin ko.

I just want to get even with that numbskull.

Nang marating ko ang tapat ng room nila agad kong binuksan ang pinto. Natigilan ang ilang naiwan sa section nila sa walang-pasintabing pagpasok ko sa loob ng classroom nila.

At kapag sinuswerte ka nga naman, nandito pa ang taong pakay ko.

"Hi Luna, you need anything?" Salubong sa akin ng lalaking mukha pa lang eh nakakapagpa-init na ng dugo. Kinuyom ko ang kanang kamay ko.

Isa lang. Maka-isa lang ako ngayon, mapapa-Thank-God-It's-Friday talaga ako.

"Hi your face." Kasunod nun ang malakas na suntok ko sa kanya. Kung saan nag-landing, aba'y hindi ko alam. Basta nakaganti ako.

Tumili yung mga babae sa section nila na nasa loob pa rin ng classroom. Nilapitan siya ng ilan to check him, baka na-knock out na.

"What the-what's that for?" Kitang-kita ko ang bawat linya sa noo nya. Of course he's mad. Sino ba naman ang hindi kung out of the blue eh may manununtok na lang basta sa kanya. Pero bagay lang yun sa kanya no!

"Alam mo Keno, sa susunod na gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong hindi halatang ikaw ang salarin para hindi ka masaktan-" May sasabihin pa sana ako when someone interrupted.

"'Sup people, 'sup Ken." Napalingon ako sa may pinto at nakita ko doon ang playboy na si Pierre kasama si Keno.

Wait, what?

I froze nang magsalubong ang tingin namin. I couldn't move my feet. Hindi rin ako makalunok ng maayos. I could feel my heart on my throat. Shiz.

Tiningnan ko ang taong nakasalampak pa rin hanggang ngayon sa sahig at nakahawak sa may ilong nya. Yun siguro ang natamaan ko. Agad ko rin naman yung binalik sa taong papasok sa loob at papalapit na sa amin.

He's flashing his very annoying smile na feeling naman niya ikinapogi nya.

"Oh, hi Chayene, did you miss me that much at kinailangan mo pa akong bisitahin?" sabi ng isang apparition.

Parehong mga singkit na mata, makinis at maputing balat, matangos na ilong, at mapulang labi. But I could now distinguish the difference through their hair.

Namutla ako sa kinatatayuan ko. I couldn't believe this, I punched the wrong guy, didn't I?

"Uy 'tol, anong nangyari sa 'yo..." nilapitan ng lalaking bagong dating ang lalaking kamukhang-kamukha niya at saka inalalayan iyon. Sinundan ko sya ng tingin. "..and you, ano namang trip yan?" nakangiting baling nya sa akin habang nilalaro ang basang dulo ng buhok ko.

Ikaw pa talaga ang may ganang magtanong kung anong nangyari saken ha? I wanted to shout at him but I chose not to. Kahit asar na asar ako sa kanya nakakahiya pa rin yung nangyari.

Damn it.

"Don't talk to me, you dunce." sa sobrang asar ko, tinulak ko na lang ang totoong Keno bago ako nagmartsa paalis.

Actually, hindi ko alam kung siya nga pero basta! Arggh! How could I even forget na may kakambal nga pala ang damuho na yun?

"Aalis ka na agad? Hindi pa nga tayo nag-uusap eh. Alam ko na mang gustong-gusto mo akong makita kaya okay lang."

Tatawa-tawa pa siya habang nagsasalita ng kung ano-anong kahibangan. Aaaaah nakakasaar talaga!

"I hate you Keno Eleandre Lee!" I yelled without looking back before I left.

"I love you too Chayene Luna Resurreccion." I heard him and he laughed.

Argh!

xx

They say we have the most predictable story.

We hate each other. O baka ako lang?

We do things to annoy one another. Well, actually siya lang.

Then one day, poof! We fall in love. 'We' nga ba? O baka isa lang?

A prankster and a rebel.

Hate and love.

In this kind of war, who will be the first to surrender?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Riot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon