CHAPTER 18 [Abhor]

411 7 1
                                    

A/N HELLO! Haha medyo mahaba naman siguro tong update. AGAIN, nag-aapologize ako sa sobrang tagal na update. Kasi po talagang busy na ko. You know.. school matters. Well. enjoy!

|Zake’s POV|

(a/n: flashback pa din po ito. Nasa America si Zake)

Shit! Ni hindi ko magawang makapag-concentrate dito! Tangina naman. Ang dami daming nakasulat pero wala akong maintindihan. Hindi ako makapag-focus. Masyado kong naiisip si Meiko.

Miss ko na siya. Miss na miss ko na. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Okay lang kaya siya? Hinahanap niya kaya ako? Wala man lang akong ka ide-ideya. Ang layo layo niya sa akin, pero yung sakit na dulot ng pagkakalayo namin, ramdam na ramdam ko.

Alam ko, alam kong nasaktan ko ng sobra si Meiko. Pero hindi ko naman talaga sinasadya yun eh. Hindi ko ginusto yon! Ang.. Ang buong akala ko siya si Aloisa. Agh!

Tangina talaga!

Hindi ko talaga mapigilang kamuhian si Aloisa sa ginawa niya! Bullshit. Malaki ang respeto ko sa mga babae pero tinanggalan ako ni Aloisa ng karapatan para respetuhin ko pa siya. Dahil sa kanya nagkanda leche leche kami ni Meiko. Hindi ko pa din lubos maisip kung bakit niya ginawa yun.

Ano bang gusto niya? Hindi niya ba alam na may girlfriend ako?

Alam kong alam niya yon! Dahil andun din siya sa bar, at narinig niya na hinahanap nila Drew sa akin si Meiko. Hindi naman siguro siya tanga kung hindi niya malaman na girlfriend ko yung hinahanap nila diba?

Hindi ko alam kung ano bang putanginang intensyon niya at pinaggagawa niya yun. Shit talaga. Naiinis ako. Nagagalit ako! Tapos ngayon lalapit lapit siya sa akin? Tangina. Matapos yung ginawa niya? Anong gusto niya tanggapin ko siya?

Alam kong business partner ng pamilya namin ang pamilya ni Aloisa. Natural alam ko yon. Hindi ako gago at tanga. Hindi lang talaga ako interesado sa kanya kahit nakikita ko na siya noon pag may mga meeting. Minsan na siyang ipinakilala sa akin pero hindi ko matandaan yung pangalan niya. Noon ko lang sa bar talagang natandaan ang pangalan na kinamumuhian ko ngayon..

Aloisa.

Tumatak sa isip ko ang pangalan niya.. Sa sobrang galit ko. Tsk!

Agh!

*TOKTOK

*Click

Napatingin ako sa may pintuan ng office. Office ni Daddy to. Pero ako ngayon ang nandito at inaasikaso ang mga ipinahawak sa akin na trabaho.

“Zake..”

“Ma..”

Si Mama yung pumasok. Ano na naman kayang ipapagawa sa akin?

“We have a dinner with Montemayors tonight. 8pm. There’s  a big announcement from them. At sasabihin nila sayo mamaya. Please ready yourself.” Kalmadong sabi ni Mama.

“Don’t you know what’s that announcement all about? Ikaw na lang ang mag-sabi. Wala akong gana. Ayokong pumunta.” Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya at doon sa mga papel na nasa harap ko.

“Don’t be too stubborn Zake. Sumunod ka na lang sa amin. To the Torrisi. Be there at 8.” Sermon niya sa akin at biglang lumabas na ng office.

Tsk. Ano na namang announcement yun? May dinner dinner pa. Nababanas talaga ako! Ang lakas nila makapag-sabi na sundin ko na lang sila, samantalang ako ni tawag kay Meiko bawal. Bullcrap really. Sinubukan kong tumakas ng tawag kay Meiko pero wala, hindi na available yung number niya. Nag-palit na siguro. Psh.

How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon