GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 5...Biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ni Czarinna. Parang hindi siya makapaniwala na buntis siya kaya agad niyang tinawagan si Lovely.
"May ginagawa ka ba ngayon?" agad na tanong ni Czarinna ng sagutin ng kaibigan ang tawag niya.
"Wala naman bakit ba?". balik tanong ni Lovely.
"I have something to tell you" ani Czarinna.
"Ano iyon?" muli na namang tanong ni Lovely.
"I want to talk to you in private, it's very confidential!" pabulong na sabi ni Czarinna saka napalingon sa paligid ng kanyang kwarto para siguruhing walang nakakarinig sa kanya.
"Ngayon na ba?" ani Lovely.
"Yap! Kung you're not busy" sagot muli ni Czarinna.
"Okay, just tell me the place at magkikita tayo" wika ni Lovely
"I will send it to you" sagot ni Czarinna at ibinigay nga ni Czarinna ang lugar kung saan sila magkikita ni Lovely saka nito ibinaba na ang kanyang cellphone.
Ilang sandaling nakatulala si Czarinna bago siya kumilos para ayusin ang sarili at ng makabihis na siya ay nagmamadali siyang lumabas ng kwarto para makipagkita kay Lovely.
"Anak, nagmamadali ka yata?" tanong ni donya Zenaida kay Czarinna ng makita nito na papaalis.
"I will meet Lovely mommy" sagot ni Czarinna sa kanyang ina.
"May lakad ba kayo?" muling tanong ni Donya Zenaida.
"Yes mommy at baka hapon na po ako makauwi."
"Okay, sige ingat ka anak" wika ng donya ngunit maya maya ay muling nagsalita ito....."Are you sick hija?" hindi napigilang tanong ni donya Zenaida dahil ilang araw na niyang napapansin na para bang namumutla ang mukha ng kanyang anak at nangangayayat.
"Nope mommy!" umiiling na sagot ni Czarinna.
"Ganoon ba? Para ka kasing namumutla eh kaya tinanong kita" wika ulit ng donya....."Nevermind,sige larga kana at baka naghihintay na si Lovely" pagtataboy ni Donya Zenaida kay Czarinna na kinabahan naman dahil sinabi ng ina.
........
Nagkita sina Lovely at Czarinna sa isang restaurant. Dahil halos isang linggo rin na hindi nagkikita ang magkaibigan kaya masayang masaya si Czarinna dahil muli na naman niyang nakita ang kanyang best friend.
Kay Lovely lang nasasabi ni Czarinna ang lahat ng kanyang mga gusto, ang kanyang mga sikreto o anumang bagay na tungkol sa kanya. Magkaibigan na kasi sila since mga elementary palang kaya naman parang kapatid na ang turing ni Czarinna kay Lovely at maging si Lovely ay ganun din kaya ng ma heartbroken siya sa kanyang ex boyfriend ay labis ding nasaktan si Lovely dahil sa nakikita nitong paghihirap ng dalaga.
Humigop lang ng kaunting sabaw at nakailang kutsarang pagkain lang si Czarinna ngunit ayaw na niya kaya nagtaka si Lovely dahil andami pa nitong inorder.
"Akala ko ba ay gutom ka? But hindi mo kinain ang mga inorder mo?" nagtatakang tanong ni Lovely.
"Busog na ako" sagot ni Czarinna dahil totoo naman na parang busog na busog na siya ng makahigop ng kaunting sabaw at nalagyan ng ilang kutsarang pagkain ang kanyang tiyan.
"Are you sure na busog kana doon sa kinain mo!?" hindi makapaniwalang turan ni Lovely.
"Yap!" tumatangong sagot ni Czarinna.