The Knock

3.2K 70 37
                                    

December 2009 - tahimik ang buong bahay.

Nangyari ito noong year 2009. Gabi na noon at malakas ang ulan sa labas. Tahimik ang eskinita namin dahil wala yung mga maiingay na tambay. Sarap magbasa ng libro. At sa lahat ba naman ng pwedeng basahin, yun pang "Dracula" ni Bram Stoker ang napili kong pag-tripan. Pinatay ko ang T.V. dahil wala namang kwenta ang palabas. Inumpisahan ko sa chapter 1 at bago ko pa nalaman dalawang oras na pala ang lumipas simula ng buklatin ko ang aklat. Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya bumaba muna ako sa kusina para gumawa ng sandwich at kape. Wala na palang kape. Nalimutan kong paalalahanan si Mama na bumili kaya yung green tea na lang ang aking pinagtiyagaan. Exciting yung novel at ayokong ma-miss ang bawat segundo kaya bitbit ang sandwich at ang tasa ng green tea, nagmadali akong umakyat ulit sa taas. Doon ko siya unang nakita.  Isang lalaki ang nakasalubong kong nakatambay sa may pintuan ng aming teris (terrace - para sa mga pasosyal). Nakataikod siya at nakayuko, parang nakatitig sa sahig. Naisip ko na siya siguro yung kamag-anak ng kasambahay namin na dumating noong umaga. Mag-o-overnight lang daw sa amin at aalis din naman kaagad kinabukasan kaya pumayag na rin si Mama na sa amin siya mag-stay. Meron akong bagay na bigla kong napansin sa kanya na di ko mawari noong una. Di ko rin siya masyadong maanigan dahil pundido ang ilaw sa aming hagdan. Sa pagmamadali, binalewala ko na lang ang anumang tanong meron ang kokote ko at agad akong dumiretso sa aking kuwarto para ipagpatuloy ang pagbabasa kay Dracula.

Marami akong natutunan sa mga bampira (yung original na bampira at hindi yung nasa "Twilight"). Ayon sa author ang mga  vampires ay:

- Walang reflection.

- Kaya nilang magpalit-anyo tulad ng paniki o malaking aso.

- Puwede rin nilang gawing "mist" ang sarili nila at lumusot sa mga siwang ng pintuan at bintana (kawawang biktima, walang kawala).

- Gumaganda at pumopogi ang isang tao kapag nasa kalagitnaan sila ng proseso ng pagiging bampira. Kaya kapag may bumati sa'yo ng "Uy, gumaganda tayo ngayon ha!" o "Mukhang blooming ka ngayon!", matakot ka na.

- Sa gabi lang sila lumalabas. Allergic sila sa araw di tulad ng mga bampira sa "Twilight" na kumikinang ang balat kapag nasisinagan ng liwanag.

- Kung gusto mong gawing hobby ang pangha-hunting sa mga bampira, kakailanganin mo ang GPS locator o kaya Google maps para sila ay mahanap. Matatalino ang mga bampira. Kapag nararamdaman na nila na papalapit na nang papalapit ang mga gustong pumatay sa kanila, agad silang lumilipat ng lungga.

- Ang tanging paraan para tuluyang mamatay ang isang bampira ay kung tutuhugin mo ng wooden stake ang puso nila at sasalpakan mo ng sangkatutak na bawang ang bibig nila. Puwede mo rin silang mapuksa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanilang puso gamit ang "silver bullet" (ewan ko kung bakit kailangan pang gawa sa specific type of metal yung bala). Takot din sila sa crucifix. Ito kasi ang version nila ng "Off Lotion"

Nasa kasarapan na ako ng pagbabasa nang may kumatok sa pintuan. Tinatamad na binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harapan ko ang lalakeng kanina lang ay nakasalubong ko sa may pintuan ng teris. Nakatalikod pa rin siya at nakayuko. Tinanong ko, "Ano po yun?".

Walang sagot.

"Ano po yun?", ulit ko sa kanya.

The KnockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon