30th Chapter

228 15 0
                                    

[Pryztel]

"So what shall we eat?"-tinitingnan nyang maigi ang mga nakadisplay na pagkain dun.

"Ako gusto ko nitong brownies saka spaghetti!Sa drinks naman,gusto ko ng pineapple juice"-inunahan ko na sya pfft sya rin naman kasi ang manlilibre.

"Sige yun na rin po sa akin"-sabi nya sa tindera.Nag 'Okay Sir' naman sya.Inaya na nya akong umupo dun sa side na lagi kong inuupuan twing break time.Hihintayin nalang namin yung inorder namin.

"Bakit ang genius mo?"-biglang tanong nya sakin ng makaupo na kami.

"Huh?Hindi ah.Mas genius ka.Kagabi lang natin pinag-aralan nakuha mo kaagad.Almost perfect ka pa"-pagcompliment ko sa kanya.Di ko kasi alam ang dapat kong sabihin twing pinupuri ako kaya pinupuri ko sila pabalik.

"Does that suppose to mean that I won?"-sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi nya.

"Whoa haha okay sabi ko nga you won"-napakamot sya sa batok nya.Natakot agad sya sa naging expression ko?Haha.Pinigilan ko nalang ang sarili ko na matawa.

"Siguro nga ang tanga ni Jade"-nawala ang kaninang good vibes na nararamdaman ko nang banggitin nya ang pangalang yun.

"A-Ah bakit naman?"-I asked.Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya so I just pretended that I was looking outside.

"Kasi you're almost perfect.Mayaman,mabait,matalino,at maganda pa"-ayan na naman sya sa pangkocompliment nya.Nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi ko kaya napayuko ako.

"T-Tama na nga.Di naman ako ganun eh"-hinintay kong humupa ang pagragasa ng dugo ko papunta sa pisngi ko.Ayokong mahalata nya ang pamumula ko baka kung anong isipin nya.

"Humble ka pa.Im too lucky to have a girlfriend like you"-ang kaninang namumula kong pisngi ay lalong nadagdagan ng pagtibok ng puso kong nakakabingi.Ano bang nangyayari sa akin?Im not supposed to be affected by this act.Calm down Pry acting lang to.

"Here's your order Ma'am,Sir"-nawala ang tensyon sa pagitan namin nang umepal yung waitress.

"Thank you"-sabi nya habang nakangiti.Tiningnan ko yung babae.Aba't kinilig ang bruha?!>____< I swear napuno ng cuss ang utak ko.Nagkakamood swings na ako.

And why am I feeling this way?!O___O Sa pagkakatanda ko kay Hajie lang ako nakaramdam ng ganito katinding inis.Bakit ngayon pati sa waitress na?T-Teka,nagseselos ba ako?! O_O

"Oh di ka ba kakain?"-sa sobrang pag-iisip ko ng kung anu-ano di ko napansing umalis na pala yung babae.Tiningnan ko sya.Kumakain na nga sya.I grabbed the fork at tinikman na ang spaghetti.Hindi ako dapat mawalan ng gana dahil lang sa babaitang yun.

"Natahimik ka yata?"-nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Kumakain tayo eh"-sabi ko matapos lunukin yung spaghetti.Sa pagkakaalam ko yun ang right manners sa harap ng pagkain.

"Haha ganyan ka ba pag gutom?"-nakangiti nyang sabi na parang naamuse pa.Hindi naman ito ang first time na kumain kami ng sabay.Ano bang nakakapanibago?Bahala na nga sya.Susubo na lang ako ulit ng spaghetti.

"Sandali"-naibaba ko ang kutsara ko ng sabihin nya yun.Nagtataka ako sa mga kilos nya.Bigla na lamang nyang nilapit ang mukha nya sa akin.Napaatras ako ng konti.A-Ano bang trip nya?!

Bigla nyang hinawakan ang gilid ng labi ko.O/////////O A-Ano bang---

"May dumi ka oh.Takaw mo kasi"-sandaling tumigil ang mundo ko.Nakatitig lang ako sa mukha nyang hindi pa nya inaalis sa harap ko.

Nagbalik sa isip ko ang nangyari kagabi.Nabaling ang tingin ko sa labi nya.Naramdaman ko na naman sa isip ko ang pagdampi nun sa labi ko.Waaah!!

Naitulak ko sya palayo.Ngayon palang ako bumalik sa katinuan ko.

"Whoa ang lakas mo pala Hon?"-namangha nyang sabi.

"A-Ah eh s-sorry!Sorry talaga nabigla lang ako"-nakakahiya ako!Arrrgh!

"Haha ayos lang.Kumain na ulit tayo"-nginitian nya akong muli.Nakahinga ako ng maluwag.Ang weird ko na talaga!

•••••

Third period na namin sa umaga.Katatapos lang kasi ng break time.

"Announcement everyone.Foundation day na ng school natin sa susunod na mga araw.The council made a program na kung saan kailangan namin ang kooperasyon ng lahat."-sabi ng teacher.

Oo nga pala.Hmm ano kayang program ang mangyayari bukas?Last year was a blast kasi.

"Each classroom ay gagawing booth.So we'll spend the rest of the day decorating the whole classroom."-wow!Perfect!Mukhang masaya to.

"Ma'am ano po bang concept ng classroom namin?"-tanong ni Chammy.Oo nga.Last year kasi horror house eh.

"We are going to do a fund raising activity.Dapat mag-isip tayo ng booth na kikita sa marami.And as suggested by the Principal,ang section 4-A ay gagawing Theater Booth"-biglang umingay ang buong classroom.Malamang excited sila.Mahilig kasi halos lahat sa amin dito sa music.

"Quiet everyone.I am appointing you Miss Yukawa to organize this.Magaling kang writer so ikaw ang aasahan kong gumawa ng theater play."-ha?!Ako?!Naman oh!Akala ko pa naman magiging chill yung rest of the day ko ako pa pala ang maiistress!

"Yes Ma'am"-ano pa nga ba?Tss.Di naman pwedeng tumanggi.

"Pagandahin nyo ang buong classroom okay?Dadating kasi ang ibang mga taga-Pryztine High from other branches"-What?For real?Mukhang dapat nga naming paghandaan to.Nag-ingay silang muli.

"Okay.You may now start.Pry come here in front and discuss everything with them"-tawag ng teacher.Okay.

Tumayo na ako and heade to the front.

"So classmates,since Theater Club ang nakaatas sa atin we have to make this classroom classical in style.Kailangan ko ng 10 people na maging in charge sa decoration,3 people na gagawa ng mga fliers para mangimbita ng manonood,2 people na hahawak ng pera at mamimigay ng ticket,5 persons na aassist sa audience,5 staffs para sa music and lighting effects,8 persons na gagawa ng props,at 15 people para sa characters ng story.50 ang population natin sa isang classroom so I think this would be great.Magiging assistant ko ang isa so we'll start appointing"-sabi ko at pinasulat sa secretary ang mga pangalan ng nagvolunteer.Madali naman kaming natapos.

"Okay yung mga nakaatas sa decoration at props-making pumunta kayo sa hall nandun lahat ng materials.Para naman sa lighting at music consult Mr. Lada.Sa ticket at fliers start printing now guys.And sa mga characters ko mag-riready tayo ng mga soot at act ninyo"-ang daming gagawin hayyy.Buti nalang at assistant ko si Hyui.Si Chammy kasi nabelong sya sa magbebenta ng ticket.Mukhang pera talaga.

•••••

Dito na muna hehe.

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon