CHAPTER FORTY :))

297 9 0
                                    

Chapter 40

"WHAT THE FUCK????!!!!"-biglang sigaw ko. Napabangon bigla ako sa kinahihigaan ko nung naramdanan kong may bumuhos ng sobrang lamig na tubig sa mukha ko. Nakarinig lang ako na may tawa ng tawa at nakita ko si Aira. Shete naman oh! Ano bang trip nito?

"WHAT THE HELL AIRA COLLEEN!"-hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa at halos nakahiga na siya sa sahig. Pinunasan ko na agad ng tuwalya na malapit sa akin ang mukha ko. Shit talaga!

"I--i... ikaw kasi eh!"-hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil sa tawa niya. Tsaka bakit ako? Anong ako? Ako ba nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko? Hindi naman diba? E bakit niya ako sinisisi?

"Stop laughing! Bakit mo ako binuhusan ng malamig na tubig?"-ano ba kasing nakain nito at binuhusan ako ng malamig na tubig? Bakit napapansin ko na lagi na akong pinag ti-tripan ng girlfriend ko? Naku!

"Ikaw kasi eh! Kanina pa kita ginigising kasi nga mag j-jogging tayo. E hindi kita magising kaya ayun, kumuha ako ng malamig na tubig at ibinuhos sayo ng magising ka na sa masarap mong pagtulog!!"-mahabang litanya niya at napabuntong hininga na lang ako. Oo nga pala! Nakalimutan ko to ah. Mabuti na lang at hindi siya nag tampo. Last day ko na rin pala ngayon dahil aalis na ako bukas. Kailangan kong i-enjoy ang araw kasama ang taong mahal ko.

"Pero kahit na. Dapat hindi mo yun ginawa!"-tumigil na siya sa kakatawa at lumapit sa akin. Kumuha siya ng isang tuwalya malapit sa akin at pinunasan niya ang mukha kong basa pa rin.

"I'm sorry okay? Wala na kasi akong maisip na ibang paraan eh."-haaaay. Pero okay na yun. Atleast ginising niya pa ako diba?

"I'm sorry too. Wait, magpapalit lang ako."-tumayo na ako sa higaan at dumeretso sa CR pero bago yun, kumuha muna ako ng kailangan kong damit para sa jogging sa aparador ko rito. Oo, aparador talaga.

"Hintayin kita sa labas ah. Magpapahangin lang ako."-narinig kong sabi niya bago ko tuluyang naisara ang pintuan ng cr.

Mga 5 minuto lang ako nag ayos dahil baka mainip si Aira kakahintay sa akin sa labas. Haay. Laking pasasalamat ko talaga at hindi siya nagtampo dahil nakalimutan ko ang jogging na to.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko lang siya na nanghuhuli ng tutubi! Haaay. Kahit kailan talaga tong girlfriend ko, isip bata. At yun ang dahilan kung bakit ko siya lalong minahal. Ang saya lang niyang panoorin na lumuluhod sa damuhan para lang sa tutubi. Wala siyang kaarte-arte sa katawan niya. At teka? Paano niya pala nakikita ang mga tutubi sa paligid eh. 4:30 AM pa lang ah? Ganiyan ba kalinaw ang mata niya?

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa kinatatayuan ko kasi ang saya saya lang talaga niyang panoorin na ganon. Pero nung medyo nainip na ako dahil hanggang ngayon hindi pa siya nakakahuli, at halata na rin sa mukha niya ang frustration kapag hindi siya nakakahuli, pumunta na ako sa kaniya.

"Akala ko ba mag j-jogging tayo?"

"Ay putakte!!"-bigla siyang napatayo sa pagkakaluhod niya dahil nagulat siya nung nagsalita ako. Tawa lang ako ng tawa dahil gusto ko rin siyang tawanan gaya ng ginawa niya sa akin kanina.

"Stop laughing! Walang nakakatawa ah!"-then she rolled her eyes tapos naglakad na palayo sa akin.

"Hey! Wait!"-naglakad na rin ako papunta sa kaniya pero binibilisan niya ang lakad niya kaya hindi ko siya maabutan. Nagsimula na akong mag jogging hanggang sa nalagpasan ko na siya. Nakita ko lang na nanlaki ang mga mata niya at napanganga. Kinindatan ko lang siya at alam kong naiinis na siya. Thats it! Ang cute talaga ng girlfriend ko kapag naiinis.

"Hooooy! Lecheeee ka!"-tumakbo na rin siya at tsaka nag sisi-sigaw. Dirediretso lang ako pero binabagalan ko lang ang pag j-jogging ko(natural! Jogging nga eh. =___=)

"Araaaaay!!"-pinitik niya na naman ang ilong ko nung naabutan niya na ako. Pero ang totoo, huminto na talaga ako kasi sigaw na siya ng sigaw na hintayin ko siya eh. Hindi ko naman alam na pipitikin niya ang ilong ko.

"Tara na. Napapagod na ako eh."-bigla niyang aya at napansin ko rin na medyo malayo na nga kami sa bahay. Inakbayan ko na agad siya at naglakad na pabalik.

Sandali kaming nanahimik... walang nagsasalita sa amin. Naririnig lang namin ang pag hinga ng bawat isa. Napagod siguro siya kaya siya tumahimik na. Pero, nung babasagin ko na ang katahimikan, nagsalita na siya at naunahan niya ako.

"Paano Vince kung pag balik mo rito sa pilipinas, may iba na ako?"-out of the blue na tanong niya na ikinagulat ko.

"Anong tanong yan?"-at saan niya nakuha ang tanong na yan? Trip na naman siguro ako nito. Naku! Si Aira talaga oh... aalis na nga ako bukas, pagti-tripan pa ako.

"Seriously... paano nga?"-naguguluhan pa rin ako. Bakit niya ba tinatanong yun? at may balak ba talaga siyang ipagpalit ako? Hindi ko na nagugustuhan ang biro niyang ito ah.

"Alam kong hindi mo yan gagawin."-huminto na ako sa paglalakad at inalis na ang pagkaka akbay ko sa kaniya. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ng dalawang kamay ko ang dalawa niyang pisngi.

"Alam kong hinding hindi mo yan gagawin."-tapos ngumiti ako. Pero, nagulat na lang ako nung bigla niya akong niyakap at sabay umiyak. May masama ba akong sinabi? Wala naman diba?

"Ma mi-miss kita."-at lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Niyakap ko na rin siya. Paano ako aalis dito kung ganito ang ipinapakita niya?

"I know. And I will miss you too."-inalis ko na ang pagkakayakap niya sa akin then I kiss her forehead.

"Let's go??"

Naglakad na uli kami pabalik sa bahay pero, naguguluhan pa rin ako. Bakit kaya tinanong ni Aira yun sa akin? Trip lang ba yun? Pero parang hindi eh! Kilala ko ang girlfriend ko. Alam ko kung kailan siya seryoso at kailan siya nagbibiro. Nung tanong niya sa akin kanina, alam kong hindi trip o biro yun eh. Kitang kita sa mga mata niya na seryoso siya nun. Naguguluhan nga ako eh. Bakit niya ba tinanong yun? Ang mabuti pa Vince, wag mo munang isipin yan okay?

Nung nakarating na kami, kumain agad kami. Actually diba dapat hindi kami kakain? Pero hindi naman kami nag jogging para maging fit eh. Nag jogging kami dahil sinusulit lang namin ang natitirang araw namin at isa pa, physically fit na kami no! Naks!

"Hey babe! Do your best!"-tapos ngumiti siya.

Isang ngiting mami-miss ko ng isang buwan.

Isang ngiting hindi ko makikita sa US.

At isang ngiting ikamamatay ko, makita lang muli.

Leche! Ano bang nangyayari sa akin? Kung ganito ako? Kaya ko pa bang umalis? Shete naman oh! Mamimiss ko tong babae na to!

cache-control



MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon