Chapter 4

21 3 0
                                    


Chapter 4: Masquerade Ball

Ayanessa's POV

Day of the masquerade ball...

"Good evening, miss."

Bati sa'kin ng isang lalaking naka-suite dito sa may entrance ng hotel. I immediately handed him my card at kasunod 'nun ang pagbukas ng napakalaking pintuan.

Magical. 'Yan lang ang salitang makakapag-describe sa lugar. Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan papunta sa platform.

Habang naglalakad, hindi ko mapigilang suriin ang buong lugar. Everyone's wearing a mask and feels like umattend ako ng royal ball. Kahit hindi ko makilala ang kahit sino sa kanila, still they all look so glamorous wearing those fancy ball gowns.

Napatingin ako sa itaas and saw a million-dollar worth of crystal chandelier. Napakaganda. The place is shimmering because of the silverware since royal blue and silver ang motif and because of that, suot-suot ko ngayon ang isang royal blue tube gown and a silver mask. Nakadungay lang ang buhok ko with big waves to hide the birth mark on my chest.

Nang makababa na ako, agad hinanap ng mga mata ko ang place where I can sit. Good thing, may vacant seat pa sa may pinakadulo.

Umupo ako ng maayos and placed my silver purse on top of the white table. Pinagmasdan ko lang ang mga tao habang isa-isa silang kumukuha ng food from the buffet table. Ibat-iba ang klase 'nun, may Italian, Japanese and Mexican cuisine.

Pilit ko pa ring iniisip kung anong misteryo ang nasa ball na 'to. Everythings perfectly fine. No sign of danger or whatsoever. Kung pagmamasdan lang din naman ang mga tao, wala naman silang mga kahina-hinalang kinikilos.

Dahil na rin sa sobrang dami ng iniisip ko, napagisip-isip kong magpahangin muna. I stood up and took my purse with me saka naglakad palayo sa puwesto ko kanina.

Hinayaan ko lang ang mga paa ko ang magdesisyon kung saan ako magpunta hanggang sa 'di ko namalayang nasa rooftop na pala ako ng hotel matapos kong sumakay sa elevator at pinindot ang 30th floor.

Nakaka-ilang hakbang palang ako palabas ng elevator, the wind already embraced me.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa makaabot ako sa may railings. Napapikit nalang ako habang dinadama ang hangin na humahalik sa katawan ko. God, how I love this kind of scenario.

Dumilat ako at doon napag-alamang may dagat pala sa may unahan nitong hotel. Kaya naman pala ang sarap sa pakiramdam ng mga hangin.

Kitang-kita ko ang bawat hampas ng alon mula rito because of the bright moon and the stars scattered up above like silver dusts. May sounds so cliche but damn the ambiance of the place is just so relaxing.

While the wind is stroking my hair backwards, hindi ko mapigilang mapangiti ng mapakla. How I wish everyday and every night would be like this. 'Yung tipong walang gulo at walang tinataguan. I'd throw away all the riches that I have to live in a normal yet peaceful life but the shitty part is, it's not gonna be that easy.

I snapped back from my fantacy and took out a stick of cigar and a lighter from my purse. Sometimes, all I need are these things to keep things chill and steady.

Matapos 'yon, napagdesisyunan kong bumaba na. I still have this feeling na may mali. I don't know it yet but I will raise hell just to find it out.

Bumukas na ang elevator nang makarating na'ko sa 1st floor kung saan ginaganap ang ball.

Dim na ang lights habang sumasayaw ng slow dance ang mga estudyante. Almost silang lahat, may kanya-kanyang partner. Okay, out of place.

Naglalakad na ako papunta sa seat na inoccupy ko kanina since wala rin namang naka-upo pa doon. I was almost there nang may biglang humarang sa harapan ko.

Behind The Shadows [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon