Prologue

9 1 0
                                    

Kaycee's Point of view


"Ma! Ayoko nga sabi, eh. Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Halos magwala na ako dito sa loob ng kwarto ko para lang ipaabot kay mama na ayoko sa gusto niya ipagawa sakin. Nasa labas siya ng kwarto ko and she's trying to go inside my room but I'm not letting her.

"Ano ka ba naman Kaycee! Bakit ba ayaw mo? Lagi mo namang ginagawa to ah? Anong problema?" sigaw ni mama.

Eh, bakit nga ba ayaw ko na? Eh sa ayaw ko na!

"Ma-"

"Bakit ba ayaw mong ihatid tong ulam kina Liam? Nag away ba kayo?" Pagpuputol ni mama sa sasabihin ko sana.

"Hindi kami nag away! Ma, ayoko lang. Walang ibang dahilan. Please. Kay Ate Sheng mo nalang iutos yan." Nanghihinang pakiusap ko kay mama. Nakaharang pa rin ako sa pinto ng kwarto ko habang nakahawak sa doorknob. Pinipilit kasi ni mama yong sarili nyang pumasok kanina. "Ma naman. Tinatamad ako. Sige na."

"Osige. Bahala ka dyan." narinig kong sabi ni mama at naglakad na siya pababa ng hagdan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil don. Saka ko ni-lock ang kwarto ko at humiga sa kama.

Liam.

Napapikit ako habang inaalala si Liam. Si Liam na kababata ko. Si Liam na bestfriend ko.

Si Liam na mahal ko.

Napadilat ako. Mahal ko siya. Matagal na. Nasa second year na kami ngayon sa college. Nagsimula akong mahalin siya noong first year high school kami. Matagal na pala. Matagal ko na siyang minamahal ng patago. Mabuti na lang at magaling akong magtago ng feelings. O baka naman alam niya at nagpapanggap lang siyang hindi niya alam? Well, bahala na.

Pero bakit nga ba ayokong ihatid yong ulam sano kanila?

Simple lang.

Nandoon ngayon si Gretchen. Ang girlfriend ni Liam. Paano ko nalaman? Syempre, Friday ngayon. Laging pumupunta si Gretchen kina Liam pag Friday.

Oo na, bitter ako kaya ayaw kong pumunta. I'm not a masochist para sumulong doon at makita silang super sweet sa isa't-isa. Baka magdilim lang ang panigin ko't maibuhos ko kay Gretchen ang ulam na dadalhin ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang mag ring.

Besty Ann-GANDA mo calling..

Napangiti ako ng makita ang pangalan niya sa cellphone ko. Lakas maka goodvibes kahit ang totoo nasasaktan na ako.

"Hello besty. Napatawag ka?"

"Hoy Kaycee Maree! Anong inaarte-arte mo dyan? Tumawag sakin si Tita Jack asking if you and Liam aren't in good terms daw ba! Ayaw mo daw kasing ihatid yong ulam dito sa bahay. Anong problema?"

"Para namang hindi mo alam." Nalulungkot kong sabi sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang "oo nga pala" niya. I sighed. Ann and Liam are twins. Alam din ni Ann na mahal ko ang kambal niya. Siya pa nga ang nag parealized sakin na mahal ko na pala si Liam. "Yon lang ba? Matutulog na kasi ako. Pagod ako, eh." Dagdag ko.

"You're tired? Physically or emotionally? Or both?" Seryosong tanong niya.

Biglang may lumandas na luha sa mga mata ko.

I'm tired. I'm fvcking tired hiding this fvcking feelings of mine. My mind, my body, my spirit, they're all tired.

"Besty bakit ganon?" I sobbed. "Kahit gaanong pagpipigil ang gawin ko mahal ko talaga siya eh. Nasasaktan ako kasi kaibigan lang talaga ang turing niya sakin. Dati okay lang eh. Pero iba na ngayon kasi may girlfriend na siya. Ang sakit lang." Tuloy-tuloy kong sabi habang patuloy namang nag uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.

"Pupunta ako dyan."

"No. Wag na please. Hayaan mo na muna ako. Please." I pleaded. Ayokong makita niya akong ganito ka miserable dahil sa kambal niya.

Nakita na niya akong umiyak dahil sa kambal niya but she never did see me crying like this. Ang saksi lang sa ganitong sitwasyon ko ay ang kwarto ko. My sanctuary.

Ayokong makita nila akong ganito.


"Besty naman." Halatang gusto niyang ipilit ang pagpunta dito.


"No." Sabi ko and ended the call.

I cried. Ang sakit talaga eh. All these years, lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon ko talaga naibuhos ng bongga. I never cried like this before. I always manage myself not to cry too much. Pero sadyang napagod na nga ata ako kaya sumabog na.

Sa dami ba naman kasi ng mamahalin bakit ang taong imposible pa?

Ganon ba talaga? You'll never be loved back by the person you love so much? You need to feel pain to the highest level first before experiencing happiness?

Ganyan ba talaga ang rule ng pag-ibig? Hindi ba pwedeng mabago yan?

Sisimulan ko ng mag move on. Dapat nga noon pa eh. Ang tanga ko kasi. Hinintay kong lumago yong feelings ko before moving on.

Kasalan ko tong lahat eh. Kaya ako nasasaktan ng sobra.

I cried it all. Lahat lahat na.

And I hope, tomorrow, I will be fine.

Tomorrow, I'll start moving on.


*****
Note: I am an amateur writer so please bare with me. You can always leave comments for suggestions. And I hope you're going to support my story until the end! Godbless.

Love,
WattyLaber

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dazed And ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon