10

3 0 0
                                    

Diana's POV.

Halos magdadalawang buwan na kaming nakalipat sa bago naming tinitirhan. Ayos naman kami ni Mama doon sa una naming bahay.Yun nga lang nag-away sila ni Papa na nauwi sa hiwalayan. Di na kase  natiis ni Mama ang ugali ni Papa, laging nasa sabungan at lasinggero pa ito. Wala akong kapatid kaya iginagapang ako ni Mama, sa kaunting ipon namin noon nung nagbenta ng lupa ang aking Lola kaya nakapasok ako ngayon sa school ng FEU. Gusto kong makatapos para kay Mama. Para saaming dalawa. BSE ang kinukuhang course, gusto kong maging teacher eh. :) Wala akong masyadong kaibigan since lumipat kami dito, kaya sa school lang ako nakikihalubilo. Minsan nga lang mga lalaki nakakasama ko. (Oh mali yang iniisip niyo. :))

Sa nilipatan naming bahay ngayon, masaya ang pamumuhay namin. May nakilala ako, kapit-bahay namin sila. Siya Si Sean De Leon. Unang kita ko pa lang sa kanya, na-gwapuhan na ako. Gwapo siya, matangkar, matangos ang ilong, moreno ang kulay. Siya yung tipong sa unang tingin mo, perception mo na agad na lapitin ng babae at maraming nagkakandarapa sa kanya. Ewan ko nga lang, baka nga may napaiyak na yan eh. Ayoko pw naman sa lalaking ganun, kaya nung una ko siyang nakita sinungitan ko na agad siya. Yes! Suplada talaga ako, lalo na sa mga boys na gwapo. Basta kase gwapo para sakin MANLOLOKO na. Ginagamit nila ang kagwapuhan nila para manloko -.- diba nakakaasar? So yun nga, sinungitan ko siya. Sinupladahan ko siya. Pero deep inside pala, mabuti din ang loob niya. Naalala ko kase last sem, nailigtas niya ako sa mga bad boys sa school, he save my life wayback then. Sobrang thankful ako kase andun siya. We're friends, yep! Tinuring ko na siyang kaibigan. Masarap naman siyang kausap. Pero ayokong ma-attached sa kanya. Nagka-ex na rin kase ako na pogi like him. Niloko lang ako, niloko niya ako. Timer siya. Madami pala kami, pa-fall kase eh. Sarap ibaon ng taong pa-fall. Sweet words lang naman ang ginamit niya sakin. Yes! Easy to get ako sa mga ganun. Pero ngayon, syempre natuto na ako. Di naman pedeng habang buhay ay tanga tayo. Haha, nagpaganda ako nung naghiwalay kami. Maganda kaya ako no! Charing lang. :) ganun naman daw kasi kapag iniiwan, gumaganda. So yun nga, in the next day nakita ko si Sean, sinungitan ko siya. Diko siya pinansin and next day, enrollan non. kinausap ako ni Mama na si Sean daw sasama sakin sa school. Kaso tumanggi ako, ayoko nga siya makasama. Ts. Umalis ako ng mag-isa, diko sinasagot mga text niya at tawag. And nung nasa school na ako, nasa food court kami nung ka-block kong lalaki. Tinawag ako ni Sean, alam ko na boses niya. So, tinanguan ko siya. Alam ko naman na tatanungin ako nito kung bat di ako sumabay sa kanya at chuchuchu. Sa puntong yon, napuno ako ng hindi inaasahan. Para kasi siyang aso na sunod ng sunod kahit na alam kong utos yun ni Mama. Pero malaki na ko, di na ako bata. Nasigawan ko siya! Nasaktan ko feelings niya, dahil halata sa mata niya na namumuo luha niya sabay talikod niya saakin. Diko rin naman masisisi ang sarili ko, takot lang ako. Takot lang ako na mahulog ang loob ko sa kanya. Takot lang ako na mangyari ang nangyari noon. Paano kung mahulog nga ako sa Sean De Leon na yon? Pano kung di niya ako saluhin? Baka sa una lang siya ganyan saakin. Tinetesting ko siya kung tatagal siya sa ugali ko. Masama ang strategy ko pagdating sa lalaki. Pero yung Sean De Leon nayon? Parang kaya niya akong tiisin kahit pinaparamdam ko na wala lang siya sa paningin ko.

Nothing to Her (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon