DIANA'S POV.
Magdedebut na ako bukas. Invited mga kaklase ko. Pati sina Sean at ang Nanay niya. Yun lang naman kakilala ko dito, di naman bongga konting handaan lang naman yun.
Nasa school ako ngayon nakita ko si Sean at kasama niya mga tropa niya. Parang namumukhaan ko ang isang lalaki sa kasama niya yung nanliligaw sakin ngayon si Nico. Umakyat yun ng ligaw sakin, kaso diko siya type eh. Friends lang kaya kong ibigay. Diko pa nasasabi sa Nico na yon na diko siya gusto, pero sasabihin ko din agad. Ayoko kaseng umasa sa wala yung tao. Nakita ko na nakatulala si Sean, lalim ata ng iniisip niyong mokong na yon. Nang bigla akong nakita ni Nico at lumapit ito sakin.
"Hi Diana, ako na magdadala ng bag mo." sabi niya sakin.
"Ay hindi na Nico. Kaya ko naman eh." Sabi ko kay Nico. Nakita ko na nakatingin samin si Sean kaya nagkatitigan kami pero iniba niya dereksyon ng tingin niya. Bakit ganun? Bumilis tibok ng puso ko pag tinititigan niya ako. Dati naman iniirapan ko lang siya pag nakatingin sakin."Sama ka samin, foodcourt. Treat ko." Aya ni Nico sakin.
"Osige, basta ayos lang sa mga tropa." Sabi ko, sabay tingin kina Sean. Tulala parin siya. Lumapit naman si Nico kina Sean at nagpaalam siya sa mga ito."Ah. Mga brad, isasama ko si Diana sa lunch natin? Ayos lang ba?" Sabi ni Nico.
"Sure! Yun lang eh." Sabay sabi ni Christian.
"Eh ikaw Sean, kakain ka ba?" Tanong ni Christian kay Sean.
"Uy Sean, galaw-galaw baka ma-stroke ka pre!" Sabi ni Nicole na pinagmulan ng tawanan nila.
"A-ah, s-sge sama ako". Utal na sagot ni Sean. May sakit pa din ba siya? Pinagtimpla ko na siya ng tawa-tawa kahapon. Ininom niya kaya? Teka bat ako concerned tsss. -.-"Okay, lahat pala tayo eh. Let's go guys" Aya ni Nico.
Nakarating kami sa foodcourt, ang positionng upuan namin ay ganto.
Christian, Nicole, Sean. Sa tapat naman namin. Cyrus, Nico at Ako. Katapat ko si Sean. Kumain na kami and nagkwentuhan din.
"So, magkapit bahay kayo ni Sean. I'm a right Diana?" Tanong ni Nico sakin. Whaaat! Ang awkward kahit ganun lang ang tanong.
"Ah oo" tipid na sagot ko.
"So, may spy ka pala Nico si Sean. May taga bantay na kay Diana." Dagdag ni Nicole.
"Nico, I'm sorry..." sagot ko, sabay tingin kay Sean. Nakatingin din siya sakin.
"W-why?" Sabi ni Nico.
"I don't want to hurt you, pero diko kayang ibigay ang gusto mo. Itigil mo na ang panliligaw mo Nico. Friend lang kaya kong ibigay. Sana tanggapin mo at intindihin ang desisyon ko." Sabi ko ng nakatungo. Gosh, sa harap pa ng kaibigan niya. Tanga ka talaga Diana! -.- Nakita ko na gulat ang tropa niya maging si Nico. Sana bumuka na ang lupa at lamunin na lang ako. Aalis na lang ako diko kaya ang gantong pangyayari, anduns si Sean at ang tropa niya."Excuse me." Sabi ko at tumayo na ako.
--Last subject na, diko parin kayang makita si Nico at ang tropa niya. Galit kaya sila? Malamang Diana boba ka talaga! -.- itetext ko si Sean,itatanong ko sa kanya.
To: Sean De Leon.
"Sorry Sean pati narin sa tropa mo. Sana maintindihan niyo." Text ko.
*One msg received*
"Okay lang, ginawa mo lang ang tama. Dika nagpaasa." Reply ni Sean. It makes me smile, nag-blush tuloy ako. Ugh!
"Sean, punta ka bukas ha?" Reply ko ulit.
"Oo naman, mahihindihan ko ba naman ang Mama mo." Reply niya. Napapangiti talaga ako ng wala sa oras.
"Settle then. See you" reply ko at tuluyan ko ng tinabi ang phone ko.
-
Uwian na, nag-aabang ako ng sasakyan sa tapat ng gate ng school. Nang makita ko si Sean. Gusto ko siyang tawagin, wag na lang. Susungitan ko na lang ulit siya. Masarap siyang supladahan haha. Pumara na ako ng tricycle, ganun din siya. Sabay na naman kami pauwe. Ts, pakigaya talaga ng sasakyan. Stalker ko ata to! Tahimik lang kami, di siya umiimik. Ang awkward, kausapin mo ko Sean di na kita oolayin. Do the moves ikaw tong lalaki.Nasa tapat na ako ng bahay, bumaba na ako, ganun din siya. Pumasok agad siya ng bahay nila. Anong meron? Olay ha? -.-
Nagbihis na ako at tumambay sa terrace namin. Gusto ko makita si Sean. Anooo?! Gusto ko siyang makita? Hm. Pero di siya lumabas.
Im I inlove with him?