SEAN' POV.
Andaming tanong na bumabagabag sakin sa mga nangyari. Binusted ni Diana si Nico. Ano kayang dahilan? Ayos naman si Nico ah. Pero diba dapat matuwa ako at hindi magiging sila? Ano ba yan Sean! -.- Iniiwasan ko na siya, para kasing pag nagkikita kami ang awkward na, baka isipin ni Nico inagaw ko si Diana sa kanya. Kaya simula ngayon iiwasan ko na muna siya. Kakayanin ko na laang.
Birthday niya nga pala ngayon, mabati nga. Babatiin ko lang naman sa text eh."Happy Birthday Diana. Have a blast!" Text ko sa kanya.
"Thankyou, punta ka mamaya ha?" Reply niya.
"Si Nanay na lang siguro, masama kasi ulit pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? Sayang naman." Reply niya.
"Happy birthday ulit." Reply ko.
Hindi na siya nagreply ulit. Maghapon akong di lumabas sa bahay, baka makita ako ni Diana eh. Nakakahiya, nagsinungaling ako.
-
"Nak, punta na ako sa mga Ate Lily, di ka sasama?" Sabi ni Nanay sakin.
"Hindi ho Nay, kayo na lang ho." Sagot ko. At tuluyan na ngang lumabas si Nanay.Mga ilang minuto pumasok ulit si Nanay na may dalang pagkain. Loko, may binalot pa. XD
"Nak, bigay ni Diana. Kainin mo raw." Sabi ni Nanay.
"Akala ko, binalot mo na eh!" Pabiro kong sabi.
"Nak, nagtatampo siguro yun sayo. Dika pumunta." Sabi ni Nanay.
"Nay, iniiwasan ko na si Diana. Nahuhulog na po kase ako sa kanya. Tas yung tropa ko si Nico, niligawan siya. Mahal ko na nga ata siya Nay eh." Sagot ko kay Nanay.
"Mahal mo naman pala eh, bat dimo subukan? Sumugal ka anak." Sagot ni Nanay. Hugot ha!
"Nay, di naman niya ako magugustuhan. Ni wala nga lang ata ako para sa kanya." Sagot ko.
"Kayo talagang mga bata kayo" sabi ni nanay at tuluyang umalis.-
Bukas na nga pala ang disco ng school namin, yun na yung pinaka christmas party namin. And then bakasyon naaaaaa! Whoooo! Sarap buhay na naman.Sana makasayaw ko si Diana sa party bukas. Isasayaw ko talaga siya, at siguro doon ko na din aaminin sa kanya na mahal ko siya na gusto ko siya. Lalakasan ko na loob ko para sa kanya!