3rd Person's POV
"Sooo... you mean tanghaling tapat kailangan nating maglinis dito?" Di makapaniwalang tanong ni Alec habang nakaturo pa sa kabuuan ng garden ng Academy.
"Yup!" Ngiting wagas ni Xavier.
Napalunok si Alec sa biglang naisip. Nasa garden sila ng Academy at kailangan nilang maglinis dito para sa parusa nila kahapon.
"Bruh, wag kang magtaka na andito tayo. Dahil sayo kaya nagtiis tayo dito sa initan. At isa pa parang di ka sanay maparusahan," Kate.
Kihuna ni Alec ang isang hose at dinilig ang isang hilera ng bulaklak.
"Bilisan na lang natin guys, Kiara and others needs help sa library. Ang laki ng library para linisin nila," saad ni Hailey at kagaya ni Alec ay kumuha rin ng hose.
Gumaya ang iba at nagkanya kanya silang linis.
"Alec!" Sigaw ni Jared. Lumingon sa kanya si Alec na nagtataka kaya nag iba ang direksyon ng hose at nabasa si Hailey.
"Hala sorry di ko---uy! Haha!"
Katulad ni Hailey ay basa na rin si Alec. Ginantihan sya nito dahilan para makigaya ang iba. Nagtutukan ang bawat isa ng hose at ang ibang walang hawak ay nagtago sa likod ng mga may hawak na hose.
Dahil sa kakulitan ay hindi nanaman nila natapos ang dapat tapusin at nauwi nanaman sa kulitan at tawanan. Di kalayuan ay nakatingin sa kanila ang Principal na ngayon ay iiling iling habang nasa tabi nito ang guro na si Sir Haime.
~
"Once upon a time..."
"Hoy Candy wag kang magbasa, maglinis ka!" Pabulong na sigaw ni Jaxon habang pinupunasan ang encyclopedia'ng hawak.
"Wuuy guys ang bigat!" Napasigaw si Topher ng akmang mabibitawan ang mga dalang libro at dahil nga walang tumulong sa kanya ay bumagsak ito sa sahig dahilan para gumawa ng ingay.
"Ssssshhhh!" Sita ng librarian.
Napahawak si Topher sa paa nyang binagsakan. Napahagalpak ng tawa ang iba pero dahil nga nasa library ay -- ULOLISM mode on.Ultimate Lauging Out Loud In Silent Mode
Kahit maraming problema ay tatawa ng magkakasama. Yan sila e.
"Heyup, yung mukha mo pre. Ang panget mo dun! Hahaha" Kane.
"Nagsalita ang mas panget..." Ayana.
"Tse!" Kane.
"Bakit ba kasi nagbuhat ng malalaking libro? Pwede mo namang dalhin isa isa?! Tangeks ka rin e," Kiara.
"*sighs*"
Napatingin silang lahat --- pwera na lang kay Argel na ngayon ay tulog sa isang sulok ng library -- kay Anika. Simula kanina ay bigla na lang itong magbubuntong hininga habang malayo ang tingin.
"Hoy, anyare naman sayo? Ang baho na dito o," Yuki.
"Don't mind me bruh, just keep cleaning," Anika.
"Oo nga at tumulong ka dito please lang ang dami nito," Brayden.
Hindi na sumagot si Anika at bumuntong hininga na lang ulit.
~
"Ate, isang sandwich po," wika ni Kiara habang kumukuha ng pera sa wallet nya.
"Dalawa na Ate,"
Napatingin si Kiara sa nagsalita. Si Alec pala.
"Hoy hindi kita ililibre ah!" Kiara.
"Oo, alam ko!" Alec.