BLUE #5

14 1 0
                                    


Una kitang nakita nung game ng basketball.
Tanda ko pa na ako yung scorer kaya naman lagi kang tumitingin sa akin at di ko maiwasang tumitig sayo.

Hindi ko alam kung naiinis ka o hindi dahil natatambakan na ang department niyo ng department ko.

Tapos katabi ko pa yung governor niyong bakla kaya naman todo cheer sya sa inyo at patuloy naman ang mga birong banta niya sa akin na bias daw ako dahil ka dept. ko ang kalaban niyo.

Nakikipag asaran ka pa nga sa governor niyo at bawat pag uusap niyo ay napapatingin ka sa akin kaya naman parang may kumikiliti sa kaloob looban ko na nakakapag pangiti sa akin.

Habang naglalaro ka ay palihim kong hinihiling na maka score ka. Natupad naman ang hiling ko dahil saktong naka three points ka! Di pa ako makapag cheer sayo ng ayos dahil nahihiya ako at saka katabi ko rin yung mga ka officers ko.

Dumaan ka sa harap ko at kitang kita ng mga mata ko ang ang mga biceps mo. >\\\<

Nung nag time out kayo at pumunta sa bench niyo ay nakasunod pa rin ang tingin ko sayo. Dahil sa sobrang init ay naghubad ka na, ayos lang sakin na wala kang abs, biceps mo pa lang solve na ko. Hihihi

Pasimple kong hiniram ang camera ng ka officer ko at palihim kang kinukunan ng picture.
Sabi ko sa officer pagkabalik ko ng camera ay ipasa sa akin sa facebook.
Tiningnan naman niya ako at nginitian ng makahulugan at pumayag na.

Isang beses sumilip siya sa score board pero nahirapan pa rin siya tingnan kaya tinanong na lng niya sa akin.

Napatigil pa ko ng konti bago ko sya sinagot.
Nung nalaman niya at lumagpas na siya sa akin ay kilig na kilig ako, na nahampas hampas ko pa talaga ang katabi ko. Hahaha

Dumating na ang 4th quarter pero lamang pa rin ang dept. namin at sa huli ay kami ang tinanghal na panalo.

Noong nag pa pack up na at nag aayos na ang players para sa pag uwe nila ay dumaan siya sa akin.

Nag thank you na may kasama pang pag ngiti pag alis niya napa tili na lang ako dahilan para bigyan ako ng ibang officer ng wirdong tingin.
Pero sorry sa kanila kilig na kilig na ako. Hihihi. I LIKE YOU #5!!!!

Kaya hanggang ngayon di ko pa rin sya makalimutan. :) At pilit ko pa rin siya hinahanap sa University dahil hindi ko alam kung anung room niya. Hehehe
Wish me luck readers! :*

Blue #5 (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon