A/N: Puro flashbacks lang po ang mangyayari dito sa chapter na 'to. Flashbacks kung ano ang mga nangyari sa relasyon nila Kyan at Bea.
The next day
Bea's POV
"Aaaaaaaaahhhhhhh!" Napatakip ako ng tenga dahil sa sabay na tili nila Francis at Misha.
"Waaaaaa! 'Di nga, Bea? Makakasama mo silang dalawa sa isang bahay?" Excited na tanong ni Francis habang nakatingin sa'kin.
Tumango ako. Tumawa ulit si Francis na may halong kilig. "Aaaaaaahhhhhh! Tapos 'pag magkakasama na kayong tatlo sa bahay, isa sa inyo maiinlove. Tapos si Brylant 'yung magiging asawa mo. Tapos, magkakaanak kayo at magkakaroon ng happily ever after!"
Binatukan ni Marsha si Francis habang tumatawa. "Loko-loko ka talaga. Ang lawak ng imagination mo."
"Pero 'di ba ex mo si Kyan at crush mo si Brylant?" - Francis
Ang kulit talaga ni Francis. Sinabing 'wag nang babanggitin 'yung Tarsier kong ex eh. Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga, ex ko si Kyan. Paulit-ulit? Unli ka, 'tol?"
"Hindi. Wala nga akong load eh. I-kwento mo nalang kung pa'no mo sinagot si Kyan." Sagot niyahabang nakatingin sa'kin.
Nag-okay na ako. I sighed as I tell them our past love story. Our story that happened two years ago.
Flashback
Ano naman kayang problema ng Tarsier na 'to? Christmas party na Christmas party, hinihila ako? Pero okay lang, love ko naman si Kyan.
Nakarating kami sa likod ng school. Hinarap niya ako at hinawakan sa kamay. "Savannah Beatriz Yu,"
"Bakit, Kyan Daniel Mendoza?" Balik tanong ko. He kneeled with his one knee.
O____O
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nakaluhod?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti siya. Lumalabas na naman 'yung sobrang cute na dimples niya.
"Savannah, I've been courting you for 2 years. I said that I'm willing to wait 'til the day you'll said yes to me. Pero... Hindi ko na kaya. Nagseselos ako kapag may nakikita akong ibang lalaki na lumalapit at nilalandi ka. Sobrang nagseselos ako. Kaya Savannah Beatriz Yu, will you be my girlfriend?"
*____*
Ano daw? Pangalan ko lang at 'yung huling sentence niya lang 'yung naintindihan ko. So... Tinatanong niya sa'kin kung pwede na niya akong maging girlfriend?
Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko nang mag-process 'yung tinanong ni Kyan sa'kin. Dahan-dahan akong tumango. Naramdaman ko nalang na tumayo siya at niyakap ako.
"Yes! Yes! Yes! You're officially mine now! I love you, Savannah."
"I love you too, Kyan. And yes, I'm yours now." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya. Iki-kiss niya sana ako sa lips nang mapatigil siya.
"Hindi pa pala pwede. 15 ka palang. Pwede bang sa cheeks nalang?" Tumawa ako at tumingkayad para halikan siya sa pisngi.
Ngumiti siya at hinatid ako papuntang classroom namin.
End of flashback
It's amazing na naluha lang ako habang kinukwento ko 'yon. Hindi ako napahagulhol.
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Novela JuvenilAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...