Mali Ka

11 0 0
                                    

Ikaw yung tipo ng taong walang ibang ginawa kundi kulitin sya.

Habang sya?Ayun.Nag aaral ng mabuti.

Isa syang model student habang ikaw naman isang basag ulo, mayabang na laging laman ng guidance and prefict of dicipline office.

Nililigawan mo na sya for almost two years. Nope.. its almost three years.

Ang sabi nya... Kapag nagbago ka papayagan ka nyang magligaw. Pinilit mo naman. Pero hindi nya napapansin.

Hindi ka na laging laman ng office, tumaas na rin lahat ng grades mo. At nagiging bati na rin kayo ng mga magulang mo.

Pero wala yun lahat sayo. Sa tingin mo kase Hindi ka nya napapansin.

Pero Mali Ka., dahil sya na yata ang pinaka masayang babae nang mga panahong yun.

Akala mo Wala siyang pakialam sayo. Kaya naman Tumigil ka na sa lahat ng sinimulan mo.

Pero Mali Ka. Hindi ka dapat tumigil. Hindi mo dapat inihinto lahat ng sinimulan mo. Dahil pinapalayo mo ang agwat sa pagitan nyo.

At dahil sa Inis mo sa kanya nakaisip ka ng magandang plano. Yun ay ang guluhin ang friendship nila ng pinakamamahal nyang bestfriend. Isa pa gusto mong malaman kung magseselos ba sya o hindi.

Nang araw na yun. Sa mismong araw na sinimulan mong ligawan ang bestfriend nya, Nag pupuyat sya sa pagawa sayo ng isang regalo. Wala syang kamalay malay na tumigil ka na.

Itinago mo at ng bestfriend nya ang ligawan sa pagitan nyong dalawa. At sa araw na ipinaalam nyo na sa lahat na kayo na... Isang kahon ng handmade Cupcakes ang iniabot sayo ng isa sa barkada mo. Hindi nya naman sinabi kong saan galing.

Akala mo galing sa Girlfriend mo na bestfriend nya.

Pero Mali Ka.

Pinagpuyatan nyang matutunan ang pag gawa ng masarap na cupcake na yun. nagpuyat din sya sa pag design sa kahong lagayan ng mga yun. At ibinuhos nya rin lahat ng pagmamahal nya sa isang sulat... Isang sulat na pinunit sa loob ng basurahan.

Masaya sya. Yun yung nakikita mo.

Wala syang pakialam.-Yun yung alam mo.

Pero Mali ka.Lahat ng nakikita mo hindi totoo.

Kaya pinili mo na lang na magpakasaya- Pinilit mo ang sarili mong sumaya. Tumatawa ng malakas, Nakangiti at masaya kasama ang babaeng pinili mo.

Masaya naman sya hindi ba?. Yun kase ang Alam mo. Yun kase ang nakikita mo.

Pero Mali ka. Hindi mo alam na gabi gabi may isang Siya na umiiyak sa lahat ng ala ala nyo.

Isang siya na tumigil para hintayin ka Pero tumigil ka rin kahit na malapit na kayo sa isat isa.

Sa di sinasadyang pagkakataon. Nakatikim ka ng cupcake na kasing sarap nung cupcake na ibinigay sayo. Kaya tumakbo ka sa Girlfriend mo.

"Zee! pahingi naman nung cupcake na ginawa mo." masaya mong lapit sa kanya.

"Huh? Cupcake?"

"Ou. Yung cupcake na kinain ko nung naging tayo--"

"Cupcake??Hindi ko yun alam." napatigil ka sa sagot nya.

"Zee!Cupcake mo! Galing kay Aia" napatingin ka sa inihagis na cupcake sa kamay ng gf mo.

"Ah. Hindi ako nag luluto ng cupcake. Baka si Aia ang nagbigay sayo noon."ngumiti sya at hinawakan ang kamay mo.

"Nagka Mali ka Daniel.,Hindi ka dapat tumigil, Hinihintay ka nya matagal na.. 2taon. Hinintay ka nyang magbago pero tumigil ka. nakakaawa ka." at iniabot nya sayo ang isa sa dalawang cupcake na hawak nya.

Napatakbo ka sa mga barkada mo at tinanong ang lahat.

Ayaw man nilang sabihin napilitan sila.

"Nang araw na yun. Naabutan namin ni Jeremy si Aia sa labas ng room. dala nya ang kahon na yun at sulat sa ibabaw. Mukha syang kinakaban pero masaya ang aura nya.

Biniro pa namin sya. Pero ng makita namin kayo ni Zee na magkahawak kamay. Bigla syang nalungkot. Kinuha nya ang sulat at sinabing Kainin nalang namin yung cupcakes.

Pero pare, para sa iyo yun eh. Kaya hindi namin kinain at iniabot na lang sayo." mahaba nilang kwento.

Napaupo ka. Nanlumo sa lahat ng nalaman mo.

Pero huli na ang lahat.

Kagaya ng dati masaya sya. Pero ngayon masaya na sya kasama ang iba.

Akala mo sila na. Akala mo Huli ka na. Akala mo masaya na siyang talaga...

Pero Mali ka- Hanggang ngayon hinihintay ka pa rin nya.

Pero tumigil ka. Ayaw mong abutin kaunting pagitan ninyong dalawa.

Mali Ka (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon