tama na.

14 2 0
                                    

May nagtanong sakin..

Paano daw kapag humingi ka ng tawad.
Paano daw kung pinagsisisihan mo talaga lahat ng ginawa mo.
Paano daw kung handa mong gawin ang lahat, para lang maibalik yung dating tayo..



Isa lang ang masasabi ko...

Hihingi din ako ng tawad sayo, patawad dahil malayo na yung narating ng mga paa ko.
At sa tingin ko, hindi na rin nito gugustuhin pang maglakad pabalik sayo..

Ikaw yung tipo ng tao na isang beses lang darating.
At kapag nandyan na at natapos na, hindi mo na gugustuhing habulin.

Hindi ka pang somewhere down the road.

Hindi na pwedeng magkrus muli ang landas natin..

Hindi ka rin pang second chance at lalong lalo na hindi tayo pang starting over again..
Dahil, huli na ang lahat para sa atin..




Ayoko na rin maging miserable.

Ayoko ng maramdaman yung klase ng sakit na kinakain na yung sistema ko.

Ayoko ng mamuhay na puro galit nalang ang nararamdaman ko.

Ayoko ng matulog ng may luha sa mata at gumising ng ganun pa rin yung nararamdaman ko.

Ayokong umabot sa punto na pati ang pagmamahal kapaguran ko na.

Sobrang nakakawasak.
Sobrang nakakaubos.

Napaka-toxic at ayoko ng lasunin pa yung sarili ko..

Kailangan ko ng umusad...

Dahil marami pang nagaabang na magagandang bagay para sakin, para sayo, at para satin..

Marami pa kong maaaring makilala, mahalin at kalimutan.

At isa ka sa kanila... mananatili kang isa sakanila.






At kung ikaw na mismo ang magtatanong sa akin, kung wala na ba talagang pag asa?

isa lang ang isasagot ko............































Mahal, minahal kita.

Mahal...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon