Dedicated kay @eilrehg_dweezil. Ang cool niya eh!!
Salamat sa lahat ng nagvo-vote at nagco-comment. Syeeet! Ang saya ko lang talaga! Kinikilig ako sa inyo! :')
__________
*kring kring*
Ugh! Bwisit! Umaga na agad?!
Tumayo ako at hinanap yung kanina pang naga-alarm na alarm clock.
"Bwiset! San ba yun?!"
Yumuko ako at hinanap yung alarm clock. Ayun! Nasa ilalim ng kama.
In-off ko toh.
Lumabas ako sa kwarto ni John dahil as usual, ako tagaluto ng kakainin namin.
"Good morning, Sabby." Ngiting sabi ni John.
Shet! Nagluto siya! May hotdog, bacon, french toast, at fresh milk. Shit!
Napatingin naman ako agad sa kusina para i-check kung naging gubat na naman ito.
PERO WALA. ANG LINIS.
Umupo ako.
"Anong nakain mo at ikaw nagluto?" Sabi ko sabay kuha ng french toast at pinalamanan ito ng bacon.
"Wala lang." Ngiting sabi niya naman.
Inirapan ko lang siya kasi naiirita ako sa pagmumukha niya.
Alam niyo yun? Yung paggising mo, yung bwisit sa buhay mo agad ang makikita mo.
Dinalian ko ang pagkain ko. Nakakaumay talaga yung pagmumukha niya.
Nagsimula siyang magsalita.
"Sabby, sabay tayo sa pagpasok ngayon sa school ha?" Masaya niyang sabi.
"Ayoko nga."
"Huh? Sige na. Please." Nagmamakaawa siya ngayon.
"Ayoko. Mas gusto ko pa mag-commute kesa makasama ka. Di, joke lang." Sabi ko sabay kagat sa french toast na gawa niya. Linagyan ko talaga ng joke lang para hindi siya ma-'hurt'.
"Bakit?? Sige na."
Tumayo ako. "Ayoko nga! Wag makulit!!"
"Sabby!"
"Ano?!"
"Sabay na tayo. Please??"
"Bwisit! Sige na nga!"
Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Isinubsob niya yung ulo niya sa balikat ko.
Pinalo-palo ko yung ulo niya. Kaaga-aga eh!!
"Sa isang kondisyon..." Sabi ko.
Napatigil siya at kumalas na sa pagkakayakap sakin.
"Ano yun?"
"Hindi tayo sasabay sa pagpasok sa school. Ako una bababa... Count ka ng 300 seconds, saka ka bumaba. Okaaaay?" Ngiting sabi ko sa kanya. Oo, inaasar ko siya.
Nawala naman agad yung mga ngiti sa labi niya. BWAHAHAHA!! Natuwa tuloy ako lalo.
"Baki--- Sige na nga!! Tsk! Kung di lang--" napatigil siya.
"Ano?"
"Ahh, ehh. Kung di lang ako nagtitipid ng gasolina ngayon. Oo, yun nga."
"Che! Alang konek!! Sige, maliligo na ako." Wala talagang sense kausap.
Naligo ako at lumabas agad sa unit. Andun na kasi sa baba si John.
Pagababa ko sa parking lot, andun si John sa passenger's seat na parang may nililinis.
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Ficción GeneralLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...