"Welcome Students to Carolina Ashtville Academy"
Nakangiting wika ng bagong namamahala ng eskwelahan,ngunit sa kaloob-looban nito,puno ang pangamba..
Dahil magsisimula na naman ang panibagong misteryo sa eskwelahan...
Mga nangyari na din napakaraming taon na ang nakalipas...
Mga panahong sila pa ang napasok doon...
****************
Someone's POV
"Eskwelahang puno ng misteryo...
Mga nakaraang puno ng mapapait na karanasan.
At isang bulaklak ang kasagutan ,
kung kailan ang panahon ng inyong kamatayan..."
Basa ko sa nakasulat sa blackboard namin...
"Sino kaya ang nagsulat niyan?"
"Balita ko meron ding nakasulat na ganyan sa iba pang section"
"At bakit sa atin 'to nangyayari?"
yan ang mga tanong ng aking mga kaklase,
Mga tanong na isang tao lamang ang makakasagot.
Sino nga ba ang taong nasa likod ng mga nakasulat na'to?
Gusto mo ba akong samahan para alamin ang misteryong nakabalot sa paaralang ito?