LaraPinaayos ko na ang passport ng kambal. Nagpasya kaming umuwi sa Pilipinas para makadalo sa binyag ni baby Renea. The twins are excited to see their grandparents for the very first time and even me, excited akong makita ang parents ko after a long period of time.
"I'm happy you changed your mind about going back to Philippines." Sabi ni Cloud habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng gamit ko.
"It will just be for three months, Cloud. Babalik rin tayo dito sa America."
"Mama! Does our lolo look like us?" Tanong ni Kei sakin. I just pinched Kei's cheeks.
"Yes, you are both good looking."
"Look, Kio baked cookies for lolo." Sabi ni Cloud. Nakabusangot naman ang pagmumukha ng anak ko habang nakacross arms.
"No I didn't, I just helped our maid bake those." Ngumiti lang ako. Alam ko namang sinadya niyang magbake ng cookies para kay mom at daddy. Narinig ko siyang kinausap ang katulong namin na may kasama pang threat na sesesantihin daw kapag sinabing siya ang nagpabake ng cookies.
Binuhat ko si Kio at si Kei naman ay binuhat ni Cloud. "Ready? Baka malate tayo sa flight. Let's go."
Medyo napaaga ang flight namin dahil ayoko namang abutan pa kami ng rush hour dahil malapit na nga ang pasko. I decided to celebrate Christmas with my family in the Philippines since ilang araw lang naman ang pagitan sa binyag.
Habang nasa biyahe napaisip ako, kung kamusta na nga ba ang pamilya ko at ang pamilya ni Gian sa Pilipinas. We never had a formal closure together with our families at hindi rin nila ako tinatanong tungkol dun. Nahihiya man ako kay Tito Daniel pero hindi ko muna siya pupuntahan dahil mas malaki ang chance na makita at makasalamuha ko ang dati kong asawa at ang bago niyang pamilya.
xxx
Gian
"YOU ARE ALL FIRED! STUPID MORONS!" Ganyan kaagad ang narinig ko pagpasok ko ng opisina ni Christa. Tinakpan ko ang tenga ni Jake dahil baka umiyak ito kapag narinig na sumisigaw si Christa.
Nanlulumong lumabas ng opisina ang mga empleyado ni Christa. Pagkakita niya sa akin ay kinuha niya sa akin si Jake.
"What do you think you're doing?" Tanong ko. Hindi umimik si Christa. Imbis ay kinakausap lang niya si Jake.
"If you keep firing our employees, lalong babagsak ang kumpanya alam mo ba yun?"
"Alam ko. Pero masisisi mo ba ako kung lahat ng empleyado na yun, mga bobo at walang silbi? Hindi natin kawalan kahit mawala sila. Kayang kaya natin palaguin ang kumpanya without the help of those idiots. You know what I'm capable of, Gian."
"Pero hindi pa rin sapat yang capability mo dahil lahat ng investors natin nawawala dahil diyan sa lintek na ugali mo!" Ibinaba ni Christa si Jake tsaka bumaling sa akin atsaka ako sinampal.
"Don't put the blame all on me, Gian! Dahil kung tutuusin, ang dapat sisihin dito, ay walang iba kundi ikaw! You wasted all your time drinking, smoking at mambabae araw-araw! Hindi ka na nahiya, may asawa kang tao!"
"But my wife... she's not here." Natahimik si Christa sa sinabi ko. Kahit ako nabigla sa lumabas sa bibig ko. Maybe because I've been thinking about Ivannah a lot lately at ni hindi ko man lang siya makita o makausap.
Isang sampal ulit ang nakuha ko mula kay Christa. Kinuha niya si Jake tsaka lumabas ng opisina habang ako naiwan na mag-isa dito. Napasabunot ako sa buhok ko tsaka inilabas ang wallet ko.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?