Chapter 51

4.3K 85 1
                                    



- Complete Family?

Nagising ako dahil sa isang batang babae na yinuyogyog ang mukha ko. Dito nga pala ako nakatulog sa bahay nila Kath. Napangiti ako nang maalala ko ang mga nangyari kanina.

"Tay, eat... Come" masigla niyang sabi.

Gising na pala itong batang to. Kanina lang ay katabi ko ito nang matulog ako.

Kaya napaupo ako.

"Hi baby" bati ko sa kanya.

"Nay, cook. Come eat" si Kath nagluto? Panigurado ay masarap na naman yun. Wala namang bago dun eh. Palaging masarap ang luto niya.

Nagpunta muna akong CR para makapaghilamos. Anong oras na ba? Bakit para gabi na? Lowbat pa naman ako. Hindi ko matawagan ang yaya ni Kiel pati si mama.

Paglabas ko si Candice agad bumungad sakin.

Umakto siya nang karga kaya binuhat ko.

"Did you sleep well?" Tanong ko sa kanya.

"Po" na may kasamang tango.

Halata parin sa kanya na nahihirapan siya sa pagsasalita. Pero atleast buo na yong iba.

7 years na itong batang ito. Dapat nga ay madaldal na to tulad ni kiel. Si Kiel 5 years old palang pero ang bilis nang magsalita.

2 years old ata siya nun nang matututong bigkasin ang Daddy at Mommy.

Pagbaba ko nandon sina bugoy sa sala may mga hawak na Ipad.

"Busying busy ahh" tumabi kami sa kanila.

"Walang pasok bukas tay, kaya binigay ni Nanay ang Ipad namin. Confescated kasi ito kapag sunday-friday." Saad ni Bugoy.

Strikto parin si Kath pagdating sa pag-aalaga sa dalawa.

Madami akong tinanong sa kanila, highschool na pala ang mga to sa isang exclusive na skwelahan sila pinag-aaral ni Kath.

At palagi daw na si Kath ang maghahatid sa kanila tuwing papasok sila pwera lang sa uwian dahil madalas ay ginagabi ang uwi ni Kath at hindi na sila nasusundo

6 years nadin pala ang nakakaraan nang simula nang kunin sila ni Kath sa ampunan. At nang pumunta sila dito meron nang Candice. Hindi naman daw pala kwento ang nanay nila dahil sa sobrang busy sa negosyo.

"Dinner's ready" pahayag ni Kath.

Kaya binitawan na muna nina Xyrel at bugoy ang mga Ipad nila.

Tumayo narin ako habang karga karga ko parin ai candice.

"Ahh, nanay--- anu kasi, nakapagpost ako sa IG nong nagsasalita si Kria, tapos anu---- nakita nina tita Julia, baka pumunta po sila dito" natatakot na sabi ni Xyrel kaya naman natigilan si Kath sa ginagawa niya.

At napatingin siya sakin at kay Candice.

Mayamaya ay ngumiti nalang din at pinagpatuloy ang paglalagay nang pagkain nina bugoy at Xyrel.

Weired.

Pagkatapos ay lumipat siya sa gawi ko.

"Anu gusto mo? Alin dito?" Tanong niya at tinuturo ang mga ulam sa lamesa.

"Kahit anu na lang" sagot ko. Kaya ngalagay nadin siya nang pagkain.

"Tay, ahh.." Hudyat na nagpapasubo siya sakin.

Nakaupo parin siya sa kanlungan ko.

"Tay may lakad ka bukas? Bball tayo." Aya sakin ni Bugoy.

REBEL PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon