His POVSA WAKAS makakapagbakasyon narin kaming buong pamilya.
Kong hindi pa namin pag-aawayan to ay hindi papayag si Kath.
Nakalimutan niya kasi yong about sa vacation namin kaya tanggap lang siya nang tanggap ng schedule.
Malaki narin ang tampo nang mga bata sa kanya dahil madalang narin namin siyang hindi nakakasama.
Ngayon nasa airport na kami. Sa Hongkong lang namin naisipan magkabakasyon dahil gusto nang mga bata na mag Disney land.
"Yes Sofie, please tell them na mawawala ako nang 1 week okey? And don't forget to check the sites. Okey? Bye"
Kanina pa busying busy si Kathryn sa Cellphone niya.
Kong hindi mga Engineer ang kausap niya ang sekretarya naman niya. Naiinis na ako sa totoo lang.
Sabi niya aayusin namin ang pamilya namin pero bakit parang ako lang ang gumagawa dito.
Inagaw ko ang Cellphone niya nang muli iyong tumunog.
Sabay Off.
"Heck, yong investor yun Daniel" galit na galit niyang sabi.
"Heck? I don't care ! Family first."
Kinuha ko ang kamay ni Kiel at Candice at inakay na sila papasok sa eroplano.
Kanina pa naiinis tong dalawang batang to sa inaasal nang nanay nila.
Magmula sa almusal hanggang sa sasakyan at hanggang dito business na ang naririnig nila sa bibig ni Kath.
"Wag na kayong magtampo kay nanay okey? Busy lang talaga si Nanay. Remember what i said? Ginagawa niya yan para may magandang buhay kayo. Kaya intindihin niyo nalang si Nanay" sabay pat nang mga ulo nila.
Finally nakapagland narin kami sa Hongkong.
Sinalubong kami nang nrentahan naming Sasakyan.
Sa Hotel agad kami dumerecho dahil inaantok ang mga bata.
"Magpahinga muna kayo. Bibili lang ako nang pagkain. And Kathryn, pwede wag mo na akong simangutan diyan . Kahit anong gawin mo hindi ko ibibigay ang Cellphone mo"
Mas lalo lang siyang sumimangot.
Parang bata.
Bumili ako nang mga kailangan nang mga bata. Junk foods at kong anu ano pa.
Nagtake out narin ako para sa lunch.
Pagdating ko sa Hotel room namin lahat sila natutulog except kay candice.
"Candice?"
"Tay.."
Mukhang malalim nang iniisip niya.
"Nagugutom kana ba?"
Umiling siya.
"Si nanay, i missed her. Wala na siyang oras saatin. Unlike before. Sana pala hindi nalang ako nagsasalita atleast nasakin ang atensyon niya"
Napabuntong hininga nalang ako.
Paano ba ako nito makakapagtrabaho kong ganito na ang nararamdaman nila.
"Halika nga dito baby. Si nanay kasi ang nagtatrabaho para saatin eh. Nagtatrabaho siya para makapag-aral kayo. Para mabili niyo lahat nang gusto niyo. Ayaw mo nun? Lahat nang gusto mo mabibili mo? Kasi lahat kayang e-provide ni nanay?"