@sossy-N thank you for reading ang voting :)
This chapter is dedicated to you!
Her POV
Alam mo yong nagsisisi ka na DAPAT HINDI KA NALANG NAG-AYA MAGBEACH.
Putek na Daniel na yan. Kanina na pa sila nagsosolo nang mga boys. Gusto naming sumama sa Pamamasyal nila sabi niya BOYS ONLY lang daw. At NO GIRLS ALLOWED.
Nakakabanas. Kaya nga ako nag-aya para makapagBonding din kaming dalawa er.
Bumabawi na nga ako, siya naman itong MIA AS IN MISSING IN ACTION ! BWISIT !!!!
Kaya heto ako kasama ang mga bata DAKILANG TAGA-BANTAY.
Si Julia naman at Miles ay namimili nang mga souvenir.
"Mga anak tama na yan' magbanlaw na kayo. Tara na" nakakawalang ganang magswimming.
Nakuuu! Kapag nakita ko talaga ang LALAKING swearrr! Hahambalusin ko talaga yun.
Pinagbanlaw ko na sila at ako?
Matutulog ako. Walang kwentang Swimming.
Akala ata nang lalaking yun wala pa siyang mga anak na kailangan niya ring bantayan. Akala mo kong makagala ay binata at walang pinoproblema.
Sinasabi ko na nga bang hindi parin mapagkakatiwalaan yong lalaking yun ehh.
Urgh! Hindi ako makatulog.
Total malapit lang naman ang Resort ko dito ay bibisitahin ko nalang ang Pinsan ko. Nakakamiss narin yong inaanak. Malaki nadin yun.
"Nay san ka pupunta?" Tanong ni Xyrel.
"Diyan lang nak, bantayan niyo muna si Kiel at Kria okey?" Total natutulog naman yong mga bata.
"Pero nay papagalitan kami ni Tatay kapag pinaalis ka namin" hirit ni bugoy. Mas lalong nag-init ang ulo ko.
"Pakisabi sa kanya, bwisit siya!" Nakakapang init nang Dugo. Urgh!
Iiwan ko nalang din ang Cellphone ko wala naman akong inaantay na tawag mula kay Sofie.
Kinuha ko yong Cardigan ko at yong Susi nang Kotse.
30minutes drive lang mula sa Casa Corazon papuntang Resort ni Mommy.
"Ninang? Is that you?" Si Patrisse ang laki laki na nang batang ito. Parang kelan lang.
"Oh Ghad Patrisse, ang laki laki mo na. Nasan si Kuya Pat at Arisse?" Sinabayan niya akong maglakad papasok sa Bahay.
"Nasa Kitchen Po ninang. Nagluluto si Daddy." Kahit kelan talaga ang bonding nang Mag'asawang yun ay pagluluto.
"Hindi kasi ganyan Hon, tinuro ko na sayo yun diba?"
"Ee ang hirap naman kasi nito Hon"
"Ako na nga, e-prepare mo nalang yong dinning table"
Hanggang labas dinig na dinig talaga ang usapan nila.
"Ehem ehem" pag-agaw ko nang atensyon nila.
"Bunso? Ikaw ba yan? Sino kasama mo? Yong mga bata? Si Candice? Si Tito?" Sunod sunod na tanong niya. Hindi naman halata na namiss niya ako no?
Nakakapunta parin naman ako dito. Last year lang ay dito kami nagbakasyon ng mga bata.
"Nasa Casa Corazon sila, si Daddy kasi may Theraphy parin kaya hindi ko na sinama. Pero gumagaling na siya. Unti-unti na siyang nakakapagsalita at nakakalakad narin siya nang walang saklay"