13

44 1 0
                                    

Maybe it's not about the happy ending. It's about the story.

•-x-•

Pagsisimula
Jonuxx

Walang-wala.
Parang may nawawala.
May bagay na hinahanap sa tuwina,
May nawawala.

Kulang na kulang.
Walang nag-aabang.
Walang kumukumpleto't bumubuo sa puwang,
Talagang kulang.

Ubos na ubos.
Sa paligid natin ay tahimik nang lubos.
Apoy natin ay tuluyan nang naupos,
Katulad ng lakas kong tuluyan nang naubos.

Walang laman.
Kalooban ko'y wala nang nararamdaman.
Hindi sumasaya, hindi nasasaktan,
Pakiramdam at kalooban ay walang laman.

Ikaw 'to.
Ikaw nawawala sa tabi't paningin ko.
Hinahanap sa tuwina ang presensya mo,
Ikaw ang taong nawawala na to.

Dahil sayo.
Ikaw bumubuo ng araw ko.
Ikaw kumukumpleto sa puwang ng puso't pagkatao ko,
Ako ngayon ay kulang dahil sayo.

Sa atin.
Namatay na ang apoy na pinaliyab natin,
Wala nang himig pagitan natin.
Ano ang nangyari sa atin?

Sayo pa rin.
Ikaw ay nawala sa akin.
Nawala pati damdamin,
Dahil puso ko'y nasayo pa rin.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon