MJ's POV"Hawakan mo 'to. Miss Nerd! Bilis!" Sigaw ni Mr. Bully. Halos isang buwan na ang pagsunod ko sakanya. Matagal na nya ako inuutusan kung hindi man ako uutusan bu-bullyin nya ako. Mas okay ng ganito kaysa ubusin nya lahat ng mahahalagang bagay sa buhay ko. Matagal na nya ako pinarurusahan sa mga ginagawa nya. Ewan ko kung alam 'to nila kuya Lly pero sana hindi nila alam kasi ayaw kong madamay pa sila.
Kasalukuyan kaming papunta sa library tapos susunod sa Secret Paradise. Pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante. Yung iba pinagtatawanan ako yung iba naman ang sabi--sana sila nalang daw ako para makasama si Mr. Bully. Sino ba itong si Mr. Bully at gustong-gusto nila? Sana nga palit nalang kami.
"Sagutin mo 'to!" Nasa library kami ngayon at wala si Ms. Librarian kaya kung makasigaw si Mr. Bully ay ganun-ganun na lamang.
Binuklat nya yung libro't notebook nya. Alam ko na gusto nyang ipagawa yung mga takdang aralin NAMIN. Opo, magkaklase kami dahil parehas na O ang unang letra ng apilyedo namin. Ayun ang patakaran sa school na ito, kaya ang section namin ay SECTION 4O.
"Hindi ko kaya iyan." Seryoso kong sagot. Madali lang yung takdang aralin namin kasi History naman sya.
"Sa itsura mong yan 'di mo alam to. Ano bang klaseng nilalalang ka? Salot ka ba?!" Sigaw nya sa akin habang dinuro sa akin yung ballpen na hawak nya.
"Hindi ako ganun, may magagawa ka kapag nakinig ka sa guro natin." Bulong ko.
"Ano?! Hindi mo ba yan gagawin o ano?!" Sigaw nya tapos kinuha nya yung salamin ko.
"Ito na po. Gagawin ko na po" kinuha ko yung salamin ko at ginawa ko na yung takda nya.
Hindi ako madaling mauto kaya yung ibang tanong na mahirap sinagutan ko pero alam kong mali kasi.....pinaghirapan kong balikan ang nga alarin tapos ganun ganun nalang kadali ibigay sa kanya ang mga sagot.
Natapos na ako, kinuha ko na sa kanya yung gamit nya kasi ako ang taga bitbit nya tapos nauna na ako sa S.P. Maaga pa wala pa ganong mga estudyante sa school syempre kasama sa tao sila nanay at tatay.
Pinagmasdan ko lang ang paligid. Sobrang tahimik ng buhay ko dati pero nawala ng dahil sa isang babae...yun ay si Bretty.
1st year ako nun, masaya ako kasi kasama ko si Bretty, my best friend. Pinagplanuhan talaga namin na parehas ang papasukan naming school. Nerd na talaga akong tignan kahit nung first year ako. Bookworm talaga ako.Si Bretty lang ang nakakaintindi sa akin noon. Kaya sya ang itinuturing kong hero sa school dati. Lahat yun ay nagbago ng may malaman ako....
"Girl! Bakit ba dikit ka ng dikit dyan sa nerd nayun? Pumapangit ka!" Sabi nung isa sa mga bagong kaibigan ni Bretty. Oo bago, nitong mga nakaraang araw medyo lumalayo na kami, kung maguusap man.... sa bahay lang pero malimit naman.
"Hindi naman ako dumidikit eh! Ang pangit nya kaya! I don't like the way she dressed and her glasses... Even her cheap braces. Ewww!" Nagmumugto na yung mga luha ko, bakit? Bakit nya nasabi yung mga bagay na yun?
Ang akala ko ba magbest friend kami?
Ang akala ko okay kami, bakit ganun?
Simula nun lumayo na talaga sya sa akin kahit ako lumalayo narin. Hiningi ko ang paliwanag nya ngunit sya na mismo ang nagsabi na.. "Ayaw ko na sa iyo! Matagal na kitang tinitiis! Chuppi!".
Simula nun, itinuring na ako ng lahat na si Miss Nerd sya din ang nagumpisa nun.
Hindi ako nagiisa na nerd dito sa academy Noon, marami kami. Halos lahat sila umalis na, hindi na kinaya ang pagpapahirap ng mga bully dito. Intinuring narin na Queen Bee si Bretty at ang GGSS. Naging bully narin sya. Naging amo ko sya dahil sa mommy nya. Kasi nga wala na kaming pera at kailangan ko ng scholarship kaya nagtrabaho ako sa kanya kapalit ng scholarship.
BINABASA MO ANG
THE NERDY GIRL FALL IN LOVE (RANZ KYLE FANFICTION)
FanfictiePaano nga ba magmahal ang isang Nerdy Girl? Ang kakaibang babae? Paano kung hindi nga talaga siya isang normal? Paano nangyari 'yun? Lahat ng iyan ay maari nating masagot sa kwento ni MIchaela Jane Orsolino Basa sa The Nerdy Girl Fall In Love