Keep Off The Grass [HORROR STORY]

259 6 7
                                    

Keep Off The Grass

------------

Foreword:

Ito ang aking unang horror story. Nasulat ko ito dahil sa paghanga ko sa sinulat na horror/mystery/thriller story ni XerunSalmirro na 'I Know Who Killed Me'. Hindi ko man matapatan ang galing niya, sana naman kahit papaano'y magustuhan niyo 'tong gawa ko.

Ang mga nilalaman ng istoryang ito ay produkto lamang ng malikot kong isipan. Sana ay matakot ko kayo kahit papaano.

****************

Kalagitnaan ng klase nang mapagpasyahan ng tatlong magkakaibigan na tumakas sa kanilang guro. Bitbit ang kanilang mga gamit ay patago silang lumabas ng kanilang silid-aralan. Hindi naman sila napansin ng kanilang guro kaya malaya nang nakatakbo ang tatlo patungo sa likuran ng paaralan.

Sa katunayan, madalas ng tumatakas ang mga ito tuwing oras ng klase. Kahit na may guwardya ay nakakalabas parin ang mga ito dahil gumagawa sila ng paraan para lang makatakas. Dahil nga doon ay hinigpitan na ang seguridad ng paaralan.

Pero sadyang matitigas ang ulo nitong tatlo, nagpumilit parin ang mga itong tumakas. Nagpunta sila sa may likuran dahil iyon nalang ang natatanging lugar na hindi nababantayan. Dito ay naghanap sila ng lagusan o anumang daan para makalabas. Maswerte naman ang tatlo dahil maraming sirang kagamitan sa paligid na maaari nilang magamit. Dito kasi naitatambak ang mga nasisirang gamit sa bawat silid-aralan at kalapit rin nito ang tapunan ng mga basura.

Hindi na nag-atubili pa ang tatlo at pinagpatong ang mga sirang silya tsaka nila ito inakyat. Pagkababa nila sa kabilang pader ay bumungad sa kanila ang masukal na tanawin. Matataas na damuhan ang kanilang susuungin kung sakaling magpapatuloy sila sa pag-abante.

"Sandali lang Chrismon!" Pinigilan ni Xero ang kaibigan nang maglakad ito paabante sa damuhan. Kaagad naman itong tumigil saka hinarap ang kaibigan.

"Anong problema Xero? Umurong na ba yang bayag mo at ayaw mo ng sumama samin? Gusto mo na bang bumalik doon para magsumbong nalang kay ma'am?" Pabiro nitong turan habang nakahalukipkip.

Sa tabi niya ay naroon ang kakambal ni Chrismon na si Chrismer. Inakbayan siya nito habang sumisinghot sa hangin kahit wala naman itong sigarilyo.

"Alam mo pre, matagal na tayong magkakasamang tatlo, at marami-rami na rin tayong nagawang kalokohan. Ngayon ka pa ba susuko kung kelan nandito na tayo? Wala namang iwanan Xero!" Sabi nito na patuloy parin sa pagsinghot. Nakasanayan na niya iyon buhat nang maadik ito sa paghithit ng sigarilyo.

Nagtaka naman si Xero sa sinabi ng kambal. Para bang iniisip nila na tatablahin niya ang mga ito, pero ang totoo'y may iba itong dahilan.

"Ano ba kayong dalawa! Kahit pa magkahiwahiwalay tayo hindi ko kayo iiwan sa ere. Pangatlong kakambal niyo na ako 'di ba, kaya kahit saan man kayo pumunta ay magkakasama parin tayo.." Pagpapaliwanag nito sa kambal para hindi na sila magduda sa katapatan niya sa tropa. Pero hindi na talaga siya mapakali sa kanyang nararamdaman. "Kaya kita pinigilan Chrismon ay dahil may kakaiba akong nararamdaman sa paligid. Para kasing may nag-aabang sa'ting kapahamakan sa loob niyang damuhan." Sa wakas ay nasabi na rin nito ang bumabagabag sa isipan. Pero mukang hindi naniniwala ang kambal, bagkus ay pinagtawanan siya ng mga ito sa kanyang sinabi.

"Hanggang ngayon ba naman Xero hindi ka parin tinatantanan niyang Psychic power mo? Napakaaga pa para makakita ka ng mga maligno. At higit sa lahat, wala pa namang nagkakatotoo dyan sa mga sinasabi mo! Haha!" Pangungutya ni Chrismon sa sinambulat ng kaibigan. Hindi ito naniwala kay Xero dahil kapag nagkukwento ito ng tungkol sa mga nararanasan niyang kababalaghan ay hinahaluan niya iyon ng biro. Pero ang totoo ay nakakakita talaga ito ng mga kaluluwa dahil sa bukas ang ikatlong mata nito. Ginagawa niya lang iyong biro dahil ayaw niyang pagtawanan siya ng mga kasama dahil sa kawirdohan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Keep Off The Grass [HORROR STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon